HINDI inaasahan ni Maritoni ang magiging bisita niya nang umagang iyon,kasalukuyan siyang nasa lamesa at umiinom ng kape. Hindi siya nakatulog at magdamag lang siyang mulat dahil sa mga nangyari kaya masakit ang ulo niya. Mugto rin ang mga mata niya sa kaiiyak magdamag. Gusto man niyang ipaglaban ang anak ay tila hindi niya magawa. Ayaw niya na kasing masaksihan pa nito ang kaguluhan na maaaring mangyari pag nagkataon. Sunod-sunod na buzzer sa doorbell ang nagpagising sa kaniyang diwa kaya napilitan siyang tumayo upang pagbuksan iyon. " Ang aga naman, wala naman akong inaasahang bisita, ah?" Lumabas na siya ng bahay para tunguhin ang gate. Nagulat siya sa biglaang pagsulpot ng mga magulang,mabilis siyang yumakap sa mga ito at umiyak. " Anong nangyari, anak?" nag-aalalang tanong ng

