Pasulyap-sulyap si Maritoni sa rear view mirror ng kotse ni Kyle,nakapwesto kasi ang anak sa may backseat na mas pinili na makatabi ang lola. Nanlulumo ang kaniyang pakiramdam nang mga oras na iyon. Inaasahan niya naman ang pagiging mailap nito ngunit hindi niya akalaing ganoon kalala. Naalala pa niya ang galit sa mga mata nito kapag tinitignan siya, ramdam niyang galit sa kaniya ang anak. Ang lalong ikinakasama ng kaniyang loob ay ang pagiging malapit nito kay Darlene,napakasakit sa kaniyang kalooban na ito ang hinahanap ng anak. Paano pa niya maiuuwi ng anak kung ganoon ang trato nito sa kaniya? Napansin niya ang panaka-nakang pagsulyap sa kaniya ni Kyle. " Dad, after we eat are we going to tita Darlene's house?" dinig niyang tanong ng anak. Parang pinipiga ang dibdib niya sa sakit.

