ISANG linggo na ang lumipas ngunit hindi ko na nakikita si Maine.
Sa pagdaan ng mga araw ay lalo ko siyang namimiss. Gustong-gusto ko narin itong laging makasama.
Naging busy man ako sa practice game namin, eh walang sandaling hindi ko ito naaalala. Kung kumain na ba siya o ayos lang kaya ito?
Muli napabalik sa kasalukuyan ang isip ko ng marinig kong pumito ang referee sa aming laro.
Oo ngayon ang championship kaya magcoconcentrate nalang muna ako sa game. Pagkatapos ay aaminin ko na kay Maine na may gusto na ako rito.
Oo aamin na ako bago pa mahuli ang lahat. Maybe some people judge me. Why I let my self to fall inlove with that kind of woman. Hindi ko sila masisisi kong balang araw eh may magsabi ng ganoon sa akin.
But I don't care all I want to do is show to Maine how much she means to me, maski ako hindi ko alam kong bakit siya ang minahal ko pero ang sigurado ko lang, totoo ako sa nararamdaman ko at willing kong ipakita at iparamdam dito na seryuso at hindi ko siya paiiyakin. . .
NARITO ako ngayon sa gym ng Villafuerte Academy kung saan gaganapin ang Basketball Competition League District /BCLD ngayong taon.
Kasama ko ang mga kablock mate ko sa Lab. Para naman may kasama akong mag-ingay mamaya habang naglalaro ang mga player namin, ayaw ko namang magcheer lang ng mag-isa.
Halos isang linggo rin akong hindi nagpakita kay Alden para naman mamiss niya ako ng todo-todo at siyempre para mapagplanuhan ko na rin ang mga susunod kung hakbang.
Pinagbigyan ko lamang sina Clem, Soujhiro at Cuzhniel para akalain ng mga ito na tuluyan na akong lumayo.
Nag-umpisa na ang game halos mapuno na ng hiyawan at iba't-ibang ingay ang gym. Si Soujhiro ang captain ball kaya ito ang makikipagjump-ball.
Mabilis na nakuha naman nina Alden ang bola matapos malakasan ang palo ng team captain sa kabilang team ang bola. Takbuhan ulit ang mga manlalaro.
Dumipensa ang kabilang team habang sina Alden naman ay nakipaggitgitan sa loob ng court, nagtitili ang mga kapuwa ko babaeng estudyante ng makuha ni Alden ang bola at mabilis itong tumira ng three points.
Pati ako ay nakitili na rin at napatayo dahil sa ginawang puntos nito, " Go Alden my loves!" Wala sa sarili kong sigaw.
Dahil nga may pagkamega, as in mega phone ang bunganga ko eh tila lumingon pa ito sa kinaroroonan ko. Lumabas tuloy ang magkabilang biloy niya sa pisngi, kumislap pa nga mga mata nito.
Tila ginanahan lalo siya sa paglalaro, "Hoy girl ano mo si Papa Alden, aba at napatingin pa siya sayo!" Nanggigil na sabi ni Charlie aka Charlott ang beking kaclose ko at kablockmate ko. Magmula ng pumasok nga ako dito sa Villafuerte Academy.
"Huh ah w-wala!" Pagdedeny ko ngunit nahalata ako lalo nito dahil namula ako. "Ay ang loka magdedeny pa, siguro syota mo si papa Alden, owh my! Siya pa naman pinakacrush ko sa kanilang apat. Iyon pala inagaw mo na siya sa akin malandi ka!" Kunwaring galit ang tono na sabi niya, habang nag-eemote.
"Ano ka ba Charlott magkaibigan lang kami," pagdidiin ko pero sa totoo, tila naasiwa at the same time nagrebelde ang mga bituka ko.
"Sige isa pang deny kakalbuhin na kitang maldita ka, but kidding aside girl pakilala mo naman kami ni Angel sa kanila." patuloy niyang pamimilit sa 'kin habang nagpapuppy eyes pa sa huling sinabi, tinapunan ko lang si Angel na tahimik lang na nakangiti. Ngunit alam kong gusto rin niya ang sinabi ni Charlott.
"Sige ba, after the game."
Dahil sa sinabi ko sabay pang nagkatinginan ang mga ito at nagtitili na parang naloloka na, naghigh five pa nga sila na tila tuwang-tuwa.
Nangiti nalang ako, ewan ko ba kung bakit gustong-gusto ng mga itong sumasama sa akin. Eh ang bad kaya ng reputation ko rito sa campus namin, pero sabi nga ng dalawang ito. They don't care as long daw na magkakasundo kami at nasasabayan namin ang mga trip ng isa't-isa.
Halos alam din ng dalawang ito ang mga sekreto ko. Napabaling ulit ang atensiyon namin ng makashoot si Cuzhniel, halos sabay pa kaming nagtakip ng tainga ni Charlott dahil sa matinis lang naman na tili ni Angel.
"Hoy! babae mabibingi kami sa tili mo,maghunos-dili ka mamaya mamemeet mo narin si papa Cuzhniel!" Excited namang sambit ni Charlott habang hinihila ang braso ni Angel.
Naiiling nalang ako at the same natatawa na din, ibang-iba talaga ako, kapag kasama ko ang mga ito.
Nang magtime out na nga, tapos na ang first half ng game. Ang lamang siyempre sina papa Alden.
Ay tae! nakikipapa narin ako nahawa na ako kay Charlott.
Nagpaalam muna saglit sina Angel at Charlott para bumili ng makakain para habang pinapanuod daw namin ang game nina Alden eh may kinukutkot daw kami.
Tumango lang ako bilang tugon, nagpakabusy nalang ako sa pagtetext ng makarinig ako ng mahinang mga bulungan sa tabi ko.
"Dah! pa-I-Love you, love you pa eh hindi naman sila bagay ni Alden." Unang bulong na narinig ko.
"Oo nga eh, ang kapal ng face. Akala mo naman maganda." Isa pang bulong ang narinig ko, dahil sa mga narinig ko mataray akong lumingon sa mga ito.
Parehas ko'y nakataas rin ang mga kilay ng mga ito, nameywang na ako at sabay na napatayo. "Hey! pakiulit nga mga pinagsasabi niyo at pagkakalbuhin. . . "
Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko eh naramdaman ko na ang magaang pagdantay ng braso sa aking bisig.
Pati sina Angel at Charlott eh napatigil sa paglapit habang si Charlott nalaglagan pa ng pop corn sa bunganga. Mistula silang nakakita ng guwapo.
Mabilis akong lumingon sa gilid ko at kitang-kita ko nga ang pawisan at guwapong mukha ni Alden, todo ngiti pa siya na tila nakasali sa close up smile ito. Lumabas din ang walang kamatayan niyang dimples.
" 'Wag mo na silang pansinin loves, panuorin mo nalang game ko okay," suwabeng sabi niya habang titig na titig sa mga mata ko, tila hinahalukay ng kung ano man ang kaloob-looban ko.
Naglakad na siya pababa. Mag-uumpisa na kasi ang second quarter nang lumingon ulit siya sa akin at inisang hakbang ang dalawang baitang ng hagdan.
Muli tinitigan na naman niya ang mga mata ko, ano ba iyan matutunaw na ako. "and Maine, I love you din."
Sabay ng pagdampi ng labi niya sa noo ko, tila nagrigidon pa ang puso ko sa pagtibok.
Ilang beses rin akong nakarinig ng mga singhap at bulungan ng mga estudyante.
Agad na siyang bumaba habang ako, ito tulala lang at tila nasa alapaap ang mga paa ko sa kilig!
Ewan ko ba, wala akong karapatang kiligin. Maiksi ko lamang tinapunan ang dalawang talipandas na nanlulumo na dahil sa nasaksihan lang na kasweetan ni Alden my loves sa akin.
Muntik pa akong mahulog sa kinauupuan ko ng mag-umpisang umupo nga ang beking friend ko na si Charlott. "Ang taray ng eksena niyo ni papa Alden, kakainggit ka girl ako kaya kailan ko kaya makakaeksena si papa Clem!"
Yugyog sakin nito habang walang humpay siya sa pagsasalita. "May pahalik-halik pa sa noo ang papa Alden huh! Ang suwerte mo namang girl nasilo mo ang Alden Vriganza ng Villafuerte Academy!"
"Oo nga girl! Pinuntahan ka lamang para halikan sa noo. Ano iyon pampagoodluck, ayeeh cheesy!" Kinikilig namang sambit ni Angel habang dumadampot sa hawak na pop corn ni Charlott.
"Ganoon talaga." malapad kong ngiti habang nanunuod lang ng laro nina Alden.
Patuloy ko lamang pinapanuod ang laro niya, anggaling niyang magshoot ng bola.
Magaling rin kaya ito sa kama?
Panghard core din kaya ito?
Sa galing kaya niyang humawak ng bola eh ganoon rin kaya kagaling itong humawak ng...
Waah! ano ba iyan, kong anu-ano na iniisip ko.
Pero ang suwerte ko naman talaga, kong totohanin ko siya. Kaso hindi maari.
Plano lamang ang lahat ng ito. Dahil kasali na siya sa paghihiganting gagawin ko!