MATAPOS ang maikling tagpo sa amin ni Alden, minabuti ko nang pumasok sa aming bahay.
Naroon ang pakiramdam na kinikilig pa rin ako, kanina habang magkausap kami ni Alden at sinasabi ang mga katagang kahit kailan. Hindi ko narinig sa mga past boyfriend ko.
Pakiramdam ko babaeng-babae ako, dahil naman sa mga huling pangungusap na tinuran ni Alden my labs sa akin. Ramdam na ramdam ko sa bawat pangungusap niya ang sinseredad.
Habang yakap niya ko, tila nakalutang ako sa alapaap. Ang yakap niya na nagbibigay kapayapaan sa akin sa tuwina. Napasandig at bahagiya kong dinama ang aking dib-dib, napapikit ako sa samo't-saring emosyon sumasalakay sa akin sa mga sandaling iyon.
Pagmulat ko ng aking mga mata, nabungaran ko ang Mama kong nakamasid sa akin. Nasa labi niya ang magandang ngiti, agad ko siyang nilapitan at hinalikan sa pisngi.
Isa ito sa mga natutunan ko kay Alden, ang maging mapagkumbaba sa mga magulang ko. Kahit ampon ako at kadalasang pinapagalitan nila, dahil sa dami ng mga kalokohan ko. Kailangan ko pa rin silang respetuhin, hindi dahil sa may utang na loob ako. Dahil kung hindi sa kanila, hindi ako magkakaroon ng maayos na buhay na ngayon ay nararanasan ko. Unti-unti na akong binabago ng pagmamahal ni Alden.
Muli, bigla akong napakurap nang mag-aya ang Mama ko sa may kusina.
Sabay kaming naglakad habang masaya akong nagkwe-kwento ng tungkol sa nangyari sa amin kanina ni Alden.
Nanatili lamang siyang nakikinig, habang walang sawa siyang nakatitig sa mukha ko na puno ng kasiyahan. Naroon na pinamumulahan ako, dahil sa ilang detalyeng kinakiligan ko sa eksena namin ni Alden sa may Jollibee. Bigla akong napatigil ng biglang magsalita si Mama.
"Ngayong lamang kita ulit nakita na ganiyan kasaya Mae. . ." kumikislap ang mata na sabi nito. Habang isa-isa na niyang nilalabas ang mga burger at fries na ipina-takeout ni Alden sa Mama at Papa ko.
Matipid akong napangiti dahil sa sinabi ng Mama ko, bigla nakaramdam ako ng hiya sa mga sandaling iyon. Makaraan ang ilang sandali, muling nagsalita si Mama. "Anak, kahit hindi tayo laging nakakapag-usap. Lagi mong pakatatandaan, narito lamang ako bilang nanay mo."
Bigla ang paglipad ng tingin ko kay Mama, bigla-bigla pinangilidan ako ng luha sa magkabila kong mata. Ramdam ko ang kakaibang emosiyon na biglang bumalot sa amin.
Napalunok na lamang ako, hindi ako makaapuhap ng tamang salita. Nanatili akong walang imik sa bawat nagdaang-sandali.
"Anak kahit hindi mo nasabi sa akin ang nangyari sa inyo ni Greg noon. Alam ko ang lahat nang pinagdaanan mo. Dahil sa anak kita Maine," pagbasag ulit ng Mama ko sa pananahimik ko.
Unti-unting nagsipagbagsakan ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Dahan-dahan niya kong nilapitan at niyakap mula sa likuran. Ramdam ko ang bawat himas niya sa aking likuran, na lalong nagbibigay laya sa emosiyong biglang nanariwa sa akin ng mga sandaling iyon. Tatlong taon ang nakararaan, kung saan unang beses akong nagmahal. Sa lalaking una kong seneryuso. Unang lalaking nanakit sa napakamura kong damdamin.
"Mama, alam ko naman iyon. Ka-kaso dahil sa dami ng problemang dumating sa inyo ni Papa, noong nakaraang tatlong taon. Minabuti kong ilihim ang lahat sa inyo. Ayaw ko kasing maging pabigat pa ko lalo sa inyo," gumagaragal ang boses kong sabi sa Mama.
Mabini lamang naman niyang pinunasan ni Mama ang luhang patuloy na tumutulo sa magkabila kong pisngi. Maski ito'y maluha-luha na rin.
"Alam mo ba, noong mga panahong naghiwalay kayo ni Greg, labis-labis ang pag-aalala namin sa iyo ng papa mo. Napakalaki kasi ng ipinagbago mo, ang dating masunurin at laging tahimik na anak namin ay biglang nagbago. Ang dating matataas ang grado sa eskuwelahan ay nagbagsakan. Ang dating Maine na hindi marunong gumimik lumabas tuwing gabi ay halos madalas ng nasa labas, kung sino-sino ang mga sinasamahan mo. . . " paguumpisa nito.
" Kadalasan, nakakatulugan na namin ang paghihintay sa iyo anak. Lagi kaming sinasalakay ng pag-aalala sa tuwing alam namin na nasa labas ka pa," bumuntong-hininga ito pagkatapos. Nagpatuloy ang Mama sa pagsasalita.
" Alam mo naman na madami ang napapahamak sa panahon natin ngayon. Dati anak, noong bata ka. . . ayaw na ayaw mong nakakaamoy ng usok ng sigarilyo galing sa Papa mo. Pero bakit ngayon Maine? Halos umuuwi kang lasing at lango pa sa alak. Gusto ka naming saktan, pero hindi namin magawa. Dahil alam naming may pinagdadaanan ka, anak."
Narinig ko ang paghikbi nito mula sa aking likuran. Humarap ako dito, mabilis ko siyang yinakap. Ito ang unang beses na nagkaroon kami masinsinang pag-uusap.
Napatitig ako sa kaniyang mukha ng muli itong magsalita. "Alam mo anak, pakiramdam namin ng papa mo napakawalang-kwenta namin na magulang sa iyo. . ."
Bigla ang pagsalakay ng guilt sa akin, hindi ko naiisip na nasasaktan ko na ang mga magulang ko. Idinamay ko sila dahil sa ginawang pang-iiwan ni Greg sa akin. Lubos kong napagtanto na sa mga nakalipas na taon, pinarusahan ko sila. Maski sarili ko'y ganoon din. Imbes na patuloy akong lumaban, pinili kong sirain ang buhay ko.
Lalong humigpit ang yakap ko kay Mama, maski ito'y humigpit din ang pagkakayakap sa akin. Sa muli kong pagbaling dito, may lakip na ng kislap nang kasiyahan ang aking mga mata.
"Don't worry Mama, magmula sa araw na ito. Unti-unti kong aayusin ang buhay ko, hindi lang para sa inyo Mama. Kung hindi, lalo na sa aking sarili. . ." Taos-puso kong sabi rito.
Mahigpit niya lamang akong yinakap, kasabay ng pagkakarinig sa mga salitang nagbigay ng ginhawa sa akin.
"Salamat anak, alam kong babalik kana sa dati."
Nagpaalam na ako rito, isang desisyon ang tuluyan kong nabuo sa gabing iyon. Agad kong kinuha ang aking cell phone at tinagawan si Alden, kinamusta ko siya. Kung nakauwi naman ito ng mabuti, sa pagitan ng pag-uusap namin. Ipinaalam kong may kailangan akong asikasuhin. Napakagat-labi pa ako ng hindi ito agad umimik, nabanaag ko sa boses niya ang lungkot. Ngunit bigla rin iyon napawi ng sinabi kong babawi ako sa kaniya next time.
Hanggang sa nag-usap pa kami, naging makulit na naman ito sa tawag. Hanggang sa tuluyan ko ng ibinababa ang tawag.
Napapikit ako, pagkatapos bumuntong-hininga ng ilang beses. Agad akong nagdial, mulipinindot ko ang call button.
Naririnig ko na ang pagkonekta ng tawag dito, nang marinig ko ang baritono niyang boses na kabisadong-kabisado ko. Kahit matagal na mula nang mag-usap kami.
"Hello, anong nakain mo Maine at npatawag ka? Gayong katatapos mo lamang tawagan si Alden," sagot ni Greg mula sa kabilang linya.