"WHAT'S the deal now Alden bakit mo ginawa iyon, hindi pa ako tapos sa kaniya!" Nabwe-bwesit kong sabi nang akma akong babalik sa loob ng Al fresco.
Ngunit mahigpit nang hinawakan ni Alden ang braso ko.
Matama niya akong tinitigan at sa nagpipigil na galit na boses nagsalita siya.
"Bakit ko ginawa iyon Maine? Ano bang klaseng tanong iyan kahit na sinong lalaki gagawin ang ginawa ko at. . ."
Ngayon mababa na ang boses niya, tila hinahalukay ang kaloob-looban ko habang binigkas niya ang mga salitang iyon.
"Maine sinaktan ka niya napasubsob ka sa sahig kanina, ayaw na ayaw ko pa man din na may nakikitang sinasaktan na babae. Kaya kung maari 'wag mo nang kuwestiyon ang ginawa ko."
Napataas ang kilay ko sa narinig at kapagdaka napangiti ako, kasabay ng pagbigkas ng mga salitang iyon.
"Ganoon ba, so thank you huh! dahil sa ginawa mo, I will give you a reward." Kasabay niyon ang paglapit ng aking mga labi sa kanyang mukha upang gawaran siya ng halik.
Pero agad niyang hinawakan ang magkabila kung braso at agad niya akong pinigilan.
"Ano ba Maine hindi naman ako humihingi ng anumang kapalit, 'wag mo nga akong itulad sa mga lalaking nakilala mo." piksi ni Alden na halatang hindi nga niya nagustuhan ang gagawin ko.
"Ganoon okay kung ayaw mo di 'wag! Hindi naman kita pinipilit and take note Alden sa tingin ko may mga alam ka rin tungkol sa akin. That I'm a certified playgirl ng campus natin at mabilis akong magpalit ng lalaki at sumasama ako sa mga iba't-ibang lalaki kakayanin ba ng kahihiyan mo iyon na ang famous heart throb ng campus ay sumasama sa isang katulad kung malandi at---"
Pero hindi na niya pinatapos ang sasabihin ko kasi mabilis na niyang hinila ang kamay ko kaya upang mapasubsob ako sa mga bisig niya.