Kabanata 80 AYLAH Hinayaan ko silang maglaro na mag-ama nakaupo ako nakatingin sa kanilang dalawa. Tatlong taon ko rin nilayo si Light sa ama niya kaya ito na ang pagkakataon na makasama niya ang kanyang anak. Habang tinitingnan ko kung paano laruin ni Dominico ang maliit na daliri ni Light at ang buhok ng anak namin napaluha ako. Ang sarap na titigan ang mag-ama ko hindi man lang na takot si Light kay Dominico dahil hindi siya familiar sa mukha ng ama niya. Nilingon ako ni Dominico na masayang nakatitig sa kanilang dalawa. Pasulyap-sulyap din sa akin si Dominico. Tipid na ngiti ang ginawa ko hanggang sa tumayo ako. "Where are you going?" he asked me. "Sa kusina, ihahanda ko na yung mga niluto mo. Ikaw muna ang bahala kay Light, hindi makulit," sabi ko at lumabas na ako ng kwarto hin

