Kabanata 2

1584 Words
Kabanata 2 AYLAH Pagdating ko ng bahay ay tahimik akong pumasok sa loob. Tinawag ako ni Carmina ay nginitian ko lang siya at deretso akong pumasok sa loob ng kwarto ko. Hanggang ngayon ay nanlalamig parin ang mga kamay ko. Nahihirapan akong huminga nag-umpisa na naman manginig ang tuhod ko. Kapag naalala ako ang nangyari sa akin kanina ay kinakabahan ako at hindi ko maintindihan ang nangyayari sa akin. Naririnig ko na nagtawanan sila sa sala ay gusto kong lumabas pero ayokong sirain ang kanilang kasiyahan. Ayaw kasi ni Tita Angel na kasama nila ako sa family bonding nila. Hindi ko rin alam kung paano umpisahan sasabihin kay Tito na may naghahanap sa kanya. Ginawa ko ay humiga ako sa aking kama, tinakpan ko ang mukha ko ng unan dahil muling pumasok sa isip ko ang taong bumaril sa aking mga magulang. I can't help pero pakiramdam ko ay nasa madilim ako na lugar hindi ko alam sino mahingan ng tulong. Hindi na siguro mawawala sa akin ang bangungot ko. Lagi ko itong kinikimkim ang mapait na nakaraan ko, wala akong pagsasabihan ng saloobin ko. Dahil takot ako na na hindi ko alam ang dahilan. Isa sa kinatatakutan ko ang mapagsabihan ko ay isa mga tao kakilala ng taong pumaslang kila Daddy at Mommy. Isa ito sa kahinaan ko hindi ako masyado na nagtitiwala sa tao. Nilabas ko ang kwintas sa leeg na suot-suot ko. Binuksan ko ang heart na pendant ang necklace na pag-aari ni Papa. Picture naming tatlo nila Papa at Mama ang sa loob ng heart na pendant. Ito lang ang alaala na naiwan nila sa akin. Para sa akin ito ang kayamanan na iniwan nila sa akin. Katulad ng sinabi sa akin ni Papa na ingatan ko ng mabuti ang kwintas na ito. "Ate, ate may problema ba?" tanong sa akin ni Carmina sa labas ng pintuan. "Pagod lang ako, Carmina." Saad ko, kahit na I'm not feeling well. Hanggang sa nagpaalam sa akin ang pinsan ko. Pagkalipas ng ilang oras gumaan din ang pakiramdam ko. Hindi ko pala namamalayan ay nakatulog pala ako sa ang pag-o-overthinking ko kagabi. Tiningnan ko ang oras ay pasado alas kwatro na ng umaga. Nakalimutan ko rin magpalit ng pajama hanggang ngayon ay suot ko pa rin ang uniform ko. Bumangon ako at lumabas ako ng kwarto ko. Paglabas ko ng kwarto ko napailing ako ng makita ko ang mga kalat sa mesa ng chips and popcorn. Ang mga baso sa ibabaw ng mesa at iba pa. Niligpit ko ang mga kalat hindi rin ako gumawa ng ingay para hindi sila magising. Pagkatapos kung magligpit ay naligo ako dahil umaga na. Pagkatapos kung maligo ay nagluto ako ng almusal para sa lahat sa bahay. Ganito naman ang routine ko araw-araw mula ng bata pa ako. Nilagay ko sa ibabaw ng lamesa ang niluto ko na almusal. Habang tulog pa sila ay kumain ako na mag-isa. Pagkatapos kung kumain ay hinugasan ko ang pinagkainan ko. Nang may narinig akong kumakatok ng pinto sa labas ay bigla ako kinabahan ulit. Baka ang taong tinutukan ako ng baril kanina. Hindi ko pa rin nasabi kay Tito tungkol dito. Sa lakas ng kabog ng dibdib ko ay takot akong buksan ang pinto ng marinig ko na boses ni Mila ay napahawak ako sa aking dibdib. "Thank God," sabi ko. Binuksan ko ang pintuan walang paalam na pumasok sa loob si Mila na may dalang supot ng rambutan at lanzones. Siguro ay dumating ang kanyang kuya galing probinsya nila sa Mindanao. "Wow my favorite," masayang sabi ko. "Dapat lang kasi para daw ito sabi ni Kuya. Kailan mo ba kasi na papayagan ligawan ka ni Kuya. Alam mo naman na matagal ng may gusto sa'yo ang Kuya ko. Hmm pag-ikaw maging jowa ni Kuya naku ipagsigawan ko talaga dito sa barangay natin na swerte ng kuya ko dahil naka-jackpot ng diyosa at parang diwata ng tubig ng kagandahan ang girlfriend ng Kuya ko." Natawa ako sa sinabi sa akin ng kaibigan ko. Parang kinikiliti pa si Mila sa harapan ko na nag-i-imagine. "Bunganga mo tulog pa sila," mahinang sabi ko. "Ai naku sayo Aylah, paano mo natitiis na tumira dito kasama sa iisang bahay ang asawa ng Tito mo. Ang bungangera tapos ang tatamad ng mga anak. Hindi bagay sa ganda mo na ginagawa ka nilang utusan. Baka nagseselos sila sa ganda mo dahil wala kasi sila sa kakaibang beauty my beautiful best friend. Parang anak ka ng isang queen e." Pabulong na sabi sa akin ni Mila sabay kurot sa tagiliran ko. Sanay na ako sa kaibigan ko kung anu-ano kasi ang lumalabas sa bibig as in super talkative ang kaibigan ko. Kahit daldalera siya naman ang tagapagbalita sa akin kung anong bagong trending na marites sa barangay namin. Tumayo siya at nagpaalam siya sa akin na uuwi na may gagawin pa raw siya sasamahah niya ang kanyang kuya sa mall. Isasama sana ako ni Mila ay sinabi ko may gagawin din ako mamaya. Ilang sandali ay lahat ng tao sa bahay ay kanya-kanya ng umalis pagkatapos nilang kumain ng almusal. Pati si Tita ay umalis din dalawa lang kami ni Tito ang naiwan sa bahay. Pagkatapos kong maglinis ng bahay ay hinahanap ko si Tito dahil hindi ko na siya nakita pagkatapos kung maglinis sa kusina. Nang makita ko siyang nakaupo sa labas na may kausap sa linya ay hinintay ko muna siya matapos kausapin ang nasa linya. Mukhang seryoso din ang pinag-uusapan sa kabilang linya. Nang makita ko siyang pumasok sa loob ng bahay ay lumapit ako sa kanya para kausapin tungkol sa nangyari sa akin kahapon. "Tito," tawag ko sa kanya. Malungkot ang mata ni Tito na nakatingin sa akin. Napaisip ako na baka ang kausap niya sa kabilang linya ay ang taong nautangan niya. "May kailangan ka ba anak," malumay na boses ni Tito Romeo. I sighed, umupo ako sa tabi ni Tito na problemado ang mukha. Hindi ko alam kung paano ko umpisahan ang dapat kung sabihin. Nahahalata ni Tito na nanginginig ako hinawakan niya ang isa kung kamay. "Kasi po Tito Romeo may lalaking lumapit sa akin kahapon. Tinakot niya ako at tinutukan niya ako ng baril, kapag hindi po n'yo mababayaran ang sampung million piso ay papatayin daw kayo ng boss niya." Nanginginig na boses ko at lumaki ang mata ni Tito. Nahulog sa kanyang kamay ang hawak niyang cellphone. Hindi ko mapigilan na umiyak sa harapan ni Tito. "Kilala n'yo ba ang tao nayun Tito? Totoo ba na may utang ka na sampung million?" tanong ko kay Tito. Hindi siya umimik, bagsak balikat siyang tumango lang siya sa akin. Umiling-iling ako dahil saan kukuha si Tito ng ganun kalaki na halaga. Kung hindi niya mababayaran ang utang niya ay maging mapanganib ang kanyang buhay. "Dahil natalo ako sa paglalaro sa casino, hindi ko namalayan na lumaki na pala ang utang ko…" Hindi natapos ni Tito ang sasabihin ng biglang sumigaw sa galit si Tita Angel. Hindi rin siya makapaniwala sa narinig niya. Pulang-pula ang magkabilang pisngi ni Tita sa galit. "Ilang beses na kitang Romeo na pinagsabihan na tumigil sa bisyo na yan. Hindi ka pa rin pala tumigil saan ka kukuha ng pangbayad sa ganyan kalaking halaga. Isa pa mula ng dumating sa buhay natin ang anak ng kapatid mo nayan na malandi puro kamalasan sa buhay ang dinala niya rito." Malakas na sigaw ni Tita. "Bakit si Aylah na naman ang nakita mo, walang kasalanan ang pamangkin ko huwag mo siya ang pagbuntungan ng galit mo. Ako Angel, ako kung hindi dahil sa bisyo ko sa sugalan hindi ko mabili sa'yo ang sasakyan na'yan na matagal munang gusto!" sigaw pabalik ni Tito sa kanyang asawa. Pumasok ako ng kwarto ko iniwan ko sila na nagtatalo dahil kapag nakakarinig ng nagtatalo ay nawawala ako sa sarili ko takot. Sinarado ko ang pintuan ng kwarto ko at tinakpan ko ang aking tenga ng kamay ko. Pakiramdam ko ay bawat sigawan nila sa labas ay putok ng baril sa pandinig ko. "Tama na, tama na." Naiiyak kung sabi sa sarili ko. Ilang sandali ay wala na akong naririnig na ingay sa labas. Baka na pagod din si Tita sa kakasigaw. Lumabas ako ng kwarto ko walang tao sa sala hinahanap ng mata ko kung saan na silang dalawa. Hanggang sa nakita kung nagsi pagdating ang apat na pinsan ko. Nagtataka ako bakit sila dumating ng maaga. Tinanong ko sila pero hindi nila ako sinasagot hanggang binalingan ako ni Kuya Zac. Umurong ako dahil natatakot ako sa mga mata niya. "Ang malas mo dito sa bahay. Umalis ka na dito Aylah!" galit na boses ni Kuya Zac. "Kuya," sambit ko. "Hindi aalis si Aylah dito ang gustong umalis sa bahay na ito ay bukas ang pintuan para sa gustong umalis." Madiin na sabi ni Tito. Tatlong araw ang lumipas ay hindi pumasok ng university ang dalawang pinsan ko. Sa bahay lang silang lahat ako naman ay tuloy pa rin ang trabaho ko sa gabi. Umalis ako ng bahay ay alas singko ng hapon kasama ko ang tatlong kaibigan ko. Alas onse naman ay uwi namin sa gabi. Hindi rin naulit na may lalaking humila sa akin. Nang pauwi na kami ay paling-linga ako at paglingon-lingon. Pakiramdam ko kasi ay may sunud-sunod sa amin. "Aylah kanina ka pa d'yan na wala sa sarili. Kanina kapa namin kinakausap saan ba ang isip mo siguro may boyfriend ka na no, hindi mo lang sinasabi sa amin," biro sa akin Blake. "Ha!" gulat na sabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD