Kabanata 6

1546 Words
Kabanata 6 THIRD PERSON POV Dalawang araw ang lumipas ay hindi umuwi ng mansion si Dominico. Dahil sunod-sunod na business trip ang ginawa niya. Mula ng nasa pamamahay, na niya si Aylah hindi pa rin niya nakakausap ang dalaga ng masinsinan. Tinawagan din siya ng Tito ni Aylah kung nahanap na ba niya si Aylah. Nang malaman ng Tito ni Aylah na nasa kay Dominico na ang kanyang pamangkin ay kinausap niya si Dominico na pwede niya na makausap ang pamangkin. Ngunit disappointed ang nangyari sa Tito ni Aylah dahil tumanggi ang binata. "Mr. Romeo from on now kalimutan mo na si Aylah at wala kang karapatan na kausapin siya dahil mula ng benenta mo sa akin ang pamangkin ko ay pag-aari ko na siya!" madiin na sabi ni Dominico sa Tito ni Aylah. "Pero boss… Baka naman po pwede kung marinig ang boses ni Aylah." Hindi sumagot si Dominico sa sinabi ng Tito ni Aylah sa kanya at muling nagsalita ang Tito ni Aylah sa linya at nakikiusap ng ilang beses si Romeo sa linya. Pero parang bakal ang tenga ni Dominico at hindi niya pinakinggan ang pakiusap ni Romeo sa linya. Hanggang sa walang paalam na pinatay ni Dominico ang kanyang mobile. "Matigas din ang ulo mo Romeo. Nasa sa kamay na ng taong bumili ang pamangkin mo ay ginugulo mo pa. Paano kung tumakas naman ulit si Aylah sa kanya? Sino ang malalagot, instead na tahimik na ang buhay natin ay ikaw mismo ang gumagawa ng sakit ng ulo mo! Alalahanin mo Romeo may mga anak tayo tapos ang kapakanan pa rin ng babae na'yun ang iniisip mo. Hindi ba ikaw mismo ang bumenta sa kanya tapos ito ang gagawin mo." Hindi nakakapagsalita si Romeo sa mga sinabi sa kanya ng kanyang asawa. Tahimik lang ito na nakatingin sa asawang hindi madrawing ang itsura. Si Romeo kahit binenta niya si Aylah mag-alala pa rin siya sa kanyang pamangkin. Kung hindi lang ito binabantayan at tinatakot ng taong nautangan niya ay hindi niya ibebenta ang pamangkin na si Aylah dahil wala siyang choice dahil nakasasalalay sa kamay niya ang buhay ng mga anak niya. Umaasa pa rin si Romeo na mapatawad siya ni Aylah at maintindihan din siya balang araw ni Aylah. "Boss ready na po ang chopper." Sabi ng kanyang kanang kamay na si Harrison. "Good," sagot ni Dominico. Sinuot ni Dominico ang kanyang black leather jacket at tinungo ang private niyang chopper. Nang makasakay na siya sa chopper niya kinuha niya ang kanyang mobile at may tinawagan siya sa linya. Pagkatapos niyang twagan ay pinatay din niya agad ang linya. Samantala si Aylah sa mansion ay hindi pa rin siya nakalabas sa kanyang kwarto. Dahil naja-lock ang pinto ng kanyang kwarto. Kung kinakausap niya ang babaeng naghahatid sa kanya ng pagkain ay hindi rin siya kinakausap ng babae. Kung tutuusin ay halos nasa loob na ng kanyang kwarto ang lahat maliban sa telephone or mobile. Parang isang bilanggo si Aylah sa malaking silid na ito. Wala rin siyang nakakausap kung hindi niya lang iniisip ang sarili niya siguro ay ma-praning na siya sa loob ng dalawang. Tanging ang nakakausap lang niya ay ang mga ibon sa bintana na umaawit. Pakiramdam niya tuloy para naging Cinderella ang buhay niya kinulong ng stepmother niya. Napabuntong hininga si Aylah habang nakatanaw sa labas ng bintana. Ilang sandali ay oras na ng hatid sa kanya ng hapunan. Habang hinihintay niya ay hatid sa kanya ng pagkain ay pumasok siya sa loob ng dressing room. Tiningnan niya ang mga plastic bag na binili sa kanya ng tauhan ni Dominico. Binuksan niya ang isa sa plastic bag pagbukas niya ay hindi siya makapaniwala sa nakikita niya dahil ito iyong mga damit na matagal na niyang gustong bilhin sa sarili niya. Pero hindi niya ito mabili dahil kung tutuusin ay mahal pa sahod niya sa dati niyang pinagtatrabahuhan. Bigla niyang naalala ang mga kaibigan niya sa restaurant dahil pareho silang gusto ang ganitong klaseng mga damit. Lalo na si Mila na kaibigan niya gustong-gusto na niyang makausap ang kaibigan pero hindi niya magawa dahil kinuha nila ang ang kanyang phone. Nang makarinig siya footsteps ay loob ng kwarto ay muli niyang binalik sa loob ng plastic bag ang damit na hawak. Dahan-dahan siyang humakbang palabas ng dressing room. "Ma'am Aylah pinapasabi ni boss kumain daw kayo ng mabuti." Hindi sumagot si Aylah sa mga sinasabi sa kanya ng babae. Nilagay ng babae ang tray sa ibabaw ng mesa. Natatakam sa sarap ang ilong ni Aylah sa sarap ng amoy ng sweet and sour chicken. "Huwag maarte ng pagkain. Isa pa hindi ka reyna sa mansion na ito. Tita bakit mo tinatawag na ma'am ang babae na'yan wala naman dito si Dominico." Napalingon si Aylah sa pintuan ng may nagsalita na babae. Matanda lang ito ng ilang taon sa kanya. Nakasuot siya ng jeans at itim na t-shirt ang babae. Tinaasan niya ng kilay si Aylah hindi rin nagpatalo si Aylah nilabanan niya ang babae sa mataray din niyang kilay. "Sabrina!" madiin na bigkas ng babae kay Sabrin. *Hindi ako gutom. Hindi ako kakain hangga't hindi ko nakikita ang demonyo n'yong amo!" galit na sabi ni Aylah. "Kung ayaw mo e di huwag. Dagdag trabaho ka kang lang dito sa mansion. Huwag kang mag-alala dahil gusto ka lang tikman ni Don Dominico pagkatapos ka niyang pagsawaan ay itatapon ka rin niya sa kung saan ka niya pinulot." Mas lalong kumulo ang dugo ni Aylah sa mga sinasabi sa kanya ni Sabrina. Kung hindi lang naawat ni manang ang kamay ni Aylah sasapakin niya si Sabrina. Tumawa ng nakakairita si Sabrina kay Aylah. Sa inis ni Aylah ay sinipa niya ang tray sa ibabaw ng mesa at natapon ang mga pagkain sa sahig. Hindi makapaniwala ang Dalawang babae sa ginawa nj Aylah. "Kulang pa yan kung naiinis kayo sa akin at pabigat ako sa inyo bakit hindi n'yo akong hayaan na umalis dito," matapang na sabi ni Aylah. "Anong nangyayari dito? Manang, Sabrina?" tanong ng lalaki. Hanggang sa tinawag niya si Manang at may binulong siya kay manang. Sinabihan din njya si Sabrina na lumabas. Nang makita ni Aylah umalis ang lalaki ay pinulot ni manang ang natapon na pagkain sa sahig ay hinakbang niya ang pinto dahan-dahan siyang lumabas. Nang nasa harapan na siya ng pinto ay halos mahulog ang puso niya sa gulat ng may biglang may humawak sa braso niya at hinila niya si Aylah papasok sa loob ng kwarto. "Bitawan mo ako, ano ba ang kailangan n'yo sa akin?" "Hayop kang babae ka! Gusto mo talagang pamahamak ang buhay namin. Mabuti kung sarili mo ang mawala. Isa pa wala kaming kailangan sa'yo." sabi ni Sabrina. Sasaktan sana siya ni Sabrina ay pinigilan siya ng lalaki. Hanggang sa tinulak ng lalaki si Aylah sa kama, sinabihan din siya ng lalaki na huwag uulitin dahil malilintikan na talaga si Aylah sa kanya. Tiningnan ni Aylah si Manang na lumabas na bitbit ang tray. Nakaramdam ng konting awa si Aylah kay manang kahit hindi siya nito kinakausap ay nararamdaman ni Aylah mabait si Manang. Muli nilang ni-lock ang pinto. Pagkalipas ilang minuto ay tumayo si Aylah sinilip niya sa labas ng bintana ang ingay na naririnig niya na nagtatalo sa labas. Sa dami ng tauhan sa labas ay hindi na alam ni Aylah kung paano siya makakatas sa mansion na ito. Nang biglang pumasok sa isip niya kung sino si Dominico binata ba o matandang lalaki? Dahil don Dominico tawag sa kanya ni Sabrina kanina. Ibig sabihin hindi binata ang si Dominico at sino si Dominico? Nakaramdam ng takot si Aylah dahil kung ano-anong iniisip niya. Hindi rin siya mapalagay sa ibang sinabi ni Sabrina sa kanya at hindi makakapayag si Aylah kung sakali na galawin siya ng may edad na lalaki. "Si manang siya ang makakatulong sa akin." Kausap ni Aylah ang sarili. Maya-maya ay bumukas ang pinto nakita niya ulit si Manang na may dalang pagkain. Ginawa ni Aylah nilapitan niya si manang na hindi umiimik basta-basta niya lang nilagay ang tray sa mesa. Nakita rin ni Aylah na may apat alipores na nakatayo sa labas ng pinto. "Manang parang awa nyo na po kayo po ang makakatulong sa akin. Tulungan nyo po ako manang." Nanginginig na boses ni Aylah. "Hija, hindi kita matutulungan," mahinang sambit ni manang kay Aylah. " Sana po manang magbago po ang isip n'yo dahil kayo lang po ang pag-asa ko na makatakas." Hinawakan ni Aylah ang kamay ni manang. "Sorry hija, mahirap takasan si Dominico?" "Bakit sino po ba si Dominico? Bakit niya ito ginagawa sa akin ano ang kailangan niya sa akin?" sunod-sunod na tanong ni Aylah. "Isang Mafia ang boss namin na si Dominico Douglas hija. Wala rin akong idea kung ano ang kailangan niya sayo. Kung ako sa'yo hija huwag mong balakin pa na tumakas ulit baka ako ano pa ang gawin sa'yo ni Sir Dominico." Ang mata ni Manang ay sa labas ng pintuan. Tiningnan niya kung nakikinig ang mga alipores ni Dominico sa kanya dahil sinabihan sila ni Dominico bawal nilang kausapin si Aylah. Nang marinig ni Aylah na tumikhim ang matabang lalaki mabilis din umurong si manang at tinalikuran niya si Aylah. Magsasalita sana si Aylah hindi na niya tinuloy dahil mabilis nilang ni-lock ang pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD