Kabanata 20 “Let’s have a date, Kenna,” wika ni Greyson kay Kenna. NAPAKUNOT ang noo ni Kenna dahil doon. Anong date ang pinagsasabi nito? Nagkasundo silang lalabas sila ng dalawang beses kada isang linggo pero hindi iyon date para sa kanya. Nasa tamang pag-iisip pa naman siya para hindi makipagdate sa dati niyang asawa at isa pa, may boyfriend siya. “Nababaliw ka na ba?” angil niya rito. “Anong date ang pinagsasabi mo?” dagdag pa niya at saka umirap. Tumawa naman si Greyson at saka napailing. “Friendly date then?” nakangiting sagot naman nito sa kanya pero muli lang siyang inirapan ng babae. “Fine. Call it whatever you’d like but let’s go out tomorrow,” pagsuko ni Greyson sa kanyang sinabi. Nandito silang dalawa sa rooftop ng kanilang bahay. Pareho silang nakatingin sa madilim

