Zhea Pagkatapos ng anim na buwan ay napag-usapan na naming dalawa ni Kysler na babalik na ako sa OA. Noong una ay ayaw ni Kysler dahil baka malagay nanaman daw sa panganib ang aking buhay pero napilit ko siya sa huli na hindi na ako tatanggap ng mga mabibigat na trabaho. Kaya naman lulan kami ngayon ng eroplano papunta sa Italy kung saan ay didiretso ako ng HQ ng OA. Sinama na rin namin ang kambal dahil wala naman kaming ibang pag-iiwanan na trusted namin. Pagdating namin ng Italy ay tulog ang dalawang kambal dahil mukhang napagod rin sila sa byahe. Lulan kami ngayon ng aming sasakyan nang magising bigla si Golden sabay kinukusot pa ang kanyang mga mata. “Mommy, where are we?” tanong niya pa na inaantok sabay humikab. “Where on our way to Mommy’s work baby. Are you still
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


