Chapter 7

2075 Words
Kysler   Nagugutom na ako kaya naman lumabas na muna ako ng aking opisina upang bumili ng kape sa Starbucks. Pagod na pagod na ako sa dami ng aking meeting buti na lang at makikita ko ulit mamaya si Zhea. Hindi ko makalimutan ang nangyari sa amin kagabi at hindi ko alam kung paano ko pakakalmahin ang aking sarili tuwing nakikita ko siya. Abala akong naglalakad nang bigla akong may nabunggo at laking gulat ko nang makita ko si Zhea. "Zhea?! What the hell are you doing here?" gulat kong tanong sa kanya. "K-Kysler," sagot niya na para siyang nakakita ng multo. "Bakit ganyan ang itsura mo? Bakit nanggaling ka sa women's bathroom ha?" Nanatili siyang tulala at parang namumutla. “Zhea?” tanong kong muli. "Ah, eh, bibisitahin sana kita kasi may sasabihin ako sa iyo kaso naihi ako bigla kaya kalalabas ko lang ng banyo,” paliwanag niya sa akin. "Okay. Pero bakit ganyan ang suot mo?” Nguso ko sa kanyang suot na parang uniform ito ng aming security department. “Hindi ko alam na meron ka pa lang ganyan ding damit tulad ng sa Security Department namin.” "Uhm, ngayon mo lang ba nakita? Matagal na kaya ito pero ngayon ko lang ginamit. Hindi ko naman alam na parehas kami ng Security Department niyo. I want to try something new.” Tumango-tango naman ako pero ang galing lang talaga dahil kuhang-kuha iyong design ng aming Security Department. "Sorry. Ano na ulit iyong sasabihin mo?" "Uhm, yes.” She cleared her throat. “N-nakalimutan ko na,” sabi niya na parang kinakabahan. "Ayos ka lang ba? You look unfocused. Did something happen?" Agad siyang umiling. "Naku wala. M-mabuti pa umalis na ako. Kita na lang tayo mamaya." Agad na lumakad paalis si Zhea at mukhang nagmamadali. I don’t believe her, and I know if she’s lying to me or not. Sinundan ko ang papaalis niyang likod nang may mahulog siya sa sahig. I went to pick it up nang makita ko na isang ID iyon. Not just any ID but an ID here in my building. She has the same face, but her name is different. Why is her name here Audrey Finley and not Zhea? Pero kahit gano’n bakit may ID siya na para dito sa building ko? Is she hiding something from me? Nah, imposible namang mangyari iyon. She’s my friend for like twelve years now at hindi niya magagawang lokohin ako. She knows I hate liars. I fished out my phone from my pocket when I saw Jethro calling. Kinausap ko siya habang naglalakad ako palabas ng SYKON at saka ibinulsa ang ID na nahulog ni Zhea. It's been a tiring day, and I really want to see Zhea again. Lulan ako ngayon ng aking sasakyan nang may madaanan akong flower shop. Pinarada ko ang aking sasakyan sa gilid ng kalsada at saka pumasok sa nasabing shop. “Yes sir. Pili lang po kayo. Ano po ang gusto niyo? Para po ba sa asawa, girlfriend, anak, kaibigan?” tanong ng babae na nagbabantay doon. “A very special person. Meron ba kayong gano’n na bulaklak?” Nag-isip ang babae at saka naglakad upang maghanap ng bulaklak. “Hmm, wala kaming gano’n na bulaklak pero ito po bang taong ito ay mahal niyo ng sobra?” I thought of Zhea and smiled. I then nodded. “I see. This White and Pink Carnation is the perfect flower for her sir. It represents pure love and admiration.” Napangiti naman ako sa sinabi ng babae at bumili ng isang boquet saka ito binayaran. Nakangiti akong nagmamaneho papunta sa bahay ni Zhea. Agad kong inayos ang aking suot at saka kinuha ang boquet ng flowers bago ako kumatok sa kanyang pinto. Huminga ako ng malalim nang makarinig ako ng mga kaluskos mula sa loob. Nang binuksan niya ito ay napatingin siya sa dala kong bulaklak. “Hey bud, for you.” Bigay ko sa kanya ng mga bulaklak at nakita kong lumambot ang kanyang ekspresyon pagkakita ng mga bulaklak. “Wow, sigurado kang sa akin ito?” Tumango naman ako at agad niyang kinuha ang mga bulaklak at saka inamoy ito. “Pasok ka.” Nakita kong masaya niyang inaamoy ang mga bulaklak at saka kumuha ito ng vase at agad na linagay dito ang mga bulaklak. Habang inaayos niya ito ay hindi ko mapigilang mamangha sa angking kagandahan niya. She looks so radiant holding that boquet of flowers. I would do anything for me to see that face and smile again and again. Tumayo ako at linapitan siyang nag-aayos ng mga bulaklak. “You like it?” Napatingin siya sa akin at malawak na napangiti. “Thanks. I love it. Ano’ng nakain mo at nagbigay ka sa akin ng bulaklak?” “Naisip ko lang kasi na noong kailangan kita ay nandyan ka para sa akin at lahat ng mga requests ko ay palagi mong inaayunan. I think that a simple gift for me would make you happy,” paliwanag ko. “Thanks. I really appreciate it.” Inabot ko ang kanyang kamay at saka ito hinalikan. “No, thank you bud. Hindi mo alam kung gaano ka kahalaga sa akin.” Nakita ko siyang napalunok at parang naluluha. “You may think that I’ve used you, but I think that you are my heroine bud. You’ve reached my hand when I was about to fall down. You were exactly there when I needed you the most. I could never ask for more so thanks.” Napatungo siya at nakita kong may butil ng luha akong nakita sa kanyang pisngi. Pinahid ko ito at saka inangat ang kanyang mukha gamit ang aking hintuturo na nasa ilalim ng kanyang baba. Paano ko ba sasabihin sa kanya ang tunay kong nararamdaman? We’ve been friends for years now. She might think that I’m only doing this to show her my gratitude. How am I going to show to her that I’ve fallen in love with her? How am I going to tell her how I feel? “Nakakainis ka naman e.” Pinalo niya ako ng mahina sa aking braso. “Bakit ba ang sweet mo sa akin? Hindi ka naman ganyang ka-sweet noon e. You are always bullying me and teasing me. Now, you sound so seriously sweet.” Natawa naman ako sa kanyang sinabi at hinili siya at saka yinakap siya. “Please stop or else I might get the wrong idea. We’re friends, right?” Friends? Nawala ang ngiti sa aking mga labi dahil mukhang ang tingin niya lang talaga sa akin ay isang kaibigan lang. Naghiwalay kami ng yakap at saka pilit na ngumiti at hinalikan ang kanyang noo. “Yes, we are. Now stop crying because you look like an idiot.” Napasimangot siya at sinuntok ng mahina ang aking braso. “I’m hungry.” “Ipagluluto kita kasi pinasaya mo ako ngayon. Makakapaghintay ka ba?” Tumango naman ako. “Sure,” sagot ko at masaya siyang pumasok sa kanyang kusina. Pinanuod ko siyang masayang magluto habang ako ay parang nasaktan sa kanyang sinabi kanina. Ano ba ang pwede kong gawin para masabi ko sa kanya ang tunay kong nararamdaman na hindi masisira ang aming pagkakaibigan? Huminga ako ng malalim at umupo sa kanyang sofa. I love you so much, Zhea Sanchez. Zhea’s POV Kauuwi ko lang sa bahay ko at halos mapagod ako ngayong araw na ito. I called Ms. Thorn a while ago and told her that it was a successful installation. Hindi ko na lang din sinabi sa kanya iyong nangyari kanina na nakita ako ni Kysler noong palabas na ako ng kanyang kompanya. Seriously being a secret agent is exhausting. Kailangan mong magtago palagi at magsinungaling sa mga taong malalapit sa iyo dahil ayaw mo silang mapahamak. I really wish na sana maging normal din ang buhay ko pagdating ng araw. I just realize na gusto kong mamuhay ng normal. Maybe after I’m finish with this mission I'll quit, and then I'll confess to Kysler. Bahala na kung anong sabihin o isipin niya basta masabi ko na sa kanya ang totoo. Im tired already, and I want to settle down with him someday. Sa sobrang pagod ko ay nakatulog ako saglit. Hapon na nang magising ako at pagabi na pala. I got my laptop and started to do a report. Pagkatapos nito ay dumiretso ako sa aking banyo para maligo dahil basang-basa ako kanina ng pawis sa makapal kong umiporme kanina. As the water cascades down my body, I stareted massagin my shoulders and neck. I even massage my muscle joints because I was exhausted from all those cartwheels a while ago. Kung ‘di ko lang talaga kailangan protektahan si Kysler hindi ko gagawin ito. After I’m done taking a bath my phone rang, and I saw Ms. Thorn calling. "Hello Ms. Thorn," sagot ko habang tinutuyo ko ang aking buhok gamit ang aking tuwalya. "I'll send some information to your email." Binuksan ko ang email ko at binasa ko ang isang profile ng lalaki. "You did a good job Rosa. Also, I’ve sent you the name of Neesha’s accomplice. Mukhang hindi lang isa kundi dalawang spy ang pinadala ni Knoxx sa SYKON." Muntik akong matawa nang makita ko ang pangalan na nandito sa profile ng isang lalaki. “He’s name is d**k? Seriously? Anong klaseng pangalan ito? I guess sigurado ako baka iyong kasama niya pang iba ay may nagngangalan din ng p***y at clit." "You are disgusting Rosa." "What? Its his fault na ganyan ang pangalan niya." Natawa ako sa aking sariling joke. “Anyway, bahala ka na. Tumawag ka na lang ulit kung may bago ka ulit na nalaman." "Yup. Copy that!"  I read his profile. His name is d**k Rosley at isa siyang Italian-American. He’s six foot tall and he’s in the syndicate for like six years now. Marami siyang kaso as well tulad na lang ng rape, murder at marami pa. This guy is something. I went to the file of SYKON that I saw a while ago and search the masterlist file. Nakita ko roon ang list ng lahat ng empleyado from the oldest to the newest. Mukhang marami silang bagong hinire ngayon pero pinaka-recent iyong the red girl na nakita ko noong nakaraang araw. This is way too easy. Bakit hindi man lang ako naghirap na makuha lahat ang profile nila. Something's not right here. Kung isa kang sindikato na may masamang balak dapat ay gawin mo ang lahat ‘wag ka lang mabuko at ‘wag lang malaman ang identity mo. Kahit nga mga normal na criminal ay mabilis ang galaw dahil ayaw silang mahuli para hindi malaman ang katauhan nila. But this, I already knew them for like a day only, and I wasn’t even challenged. May mali dito and I can feel it in my bones. I was busy studying each one of them when someone rang my doorbell. Agad kong pinatay ang aking computer at pumunta sa baba nang makita kong may hawak na boquet of flowers si Kysler. Tumibok ng malakas ang aking puso at hindi ko alam kung tatalon at tutumbling ako ulit sa sobrang kilig. Hindi mapawi-pawi ang ngiti sa aking mga labi nang tanggapin ko ang bulaklak at inayos ito sa isang vase. Maya-maya ay lumapit siya sa akin at nagsabi ng sobrang nakakikilig na mga salita na halos maiyak ako sa tuwa. Is he giving me signals? Because if he is, then I will say yes instantly. Naramdaman ko na lang na yinakap niya ako at halos marinig ko ang malakas na t***k ng kanyang puso. Kaso imposible namang umibig sa akin ang isang Kysler Valmeros. Kung pwede ko lang sanang sabihin sa kanya na mahal ko na siya ay sasabihin ko ito sa kanya araw-araw kaso kaibigan lang naman ang tingin niya sa akin. Oh well, huwag ko na lang munang sabihin para hindi na lang ako umasa sa wala. Nag-alok ako na magluluto ng aming dinner dahil pinasaya niya ako sa kanyang mga sinabi. Mabilis akong naghanda ng aking iluluto pero iyong puso ko ay gusto nang kumawala at sabihin sa kanya na mahal na mahal ko na siya. Hays. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD