(LORIE'S POV) Nagising ako sa marahang yugyog sa magkabilang balikat ko. At nang imulat ko ang mga mata ko ay namulatan ko si Ninong Max na nakadukwang sa akin mula sa pagkakatayo niya sa labas ng kotse. Kaagad akong napaayos ng upo at sinipat ang oras sa wristwatch ko. Napanganga ako nang makitang lampas alas nueve na ng gabi! Kaninang alas tres pa natapos ang huling klase ko pero ngayon lang ako makakauwi! Baka magalit sa akin si Daddy! Sa isiping iyon ay dali-dali akong bumaba sa kotse ni Ninong Max at inalalayan pa niya ako! s**t, nakatulog pa ako sa biyahe. Ni hindi ko nga pala na-text si Daddy na male-late ako ng uwi. "G-Good evening, Dad." Bati ko kay Daddy na naabutan namin ni Ninong Max sa sala habang nanunuod ng palabas sa TV. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya kaya mab

