(THIRD PERSON POV) Papalabas na si Max mula sa bahay niya para pumunta sa satellite office niya nang makatanggap siya ng tawag mula sa kaibigang si Henry. Nagtataka man dahil maaga pa ay tumawag na ito ngunit agad niya ring sinagot ang tawag ng kaibigan. Napabuntong-hininga pa siya ng malalim habang iniisip na sana ay hindi tungkol sa secret s****l affair nila ni Lorie ang itinawag ng kaibigan. Tiwala siyang wala pa naman itong alam o nahahalata dahil hindi naman siya nito kinukompronta. Sa paniwala siguro nito ay iba ang babaeng 'nagpapangiti' sa kanya at iba rin ang lalaking 'nagpapangiti' sa anak nitong si Lorie. Aware siya na dumadami nang dumadami ang kasalanan niya sa kaibigang si Henry habang tumatagal. Pero habang tumatagal din ang lihim na ugnayan nila ni Lorie ay lalo siya nah

