CHAPTER 2 - Tikim-Tikim Lang

1186 Words
(LORIE'S POV) “Eh ikaw, kumusta naman ang pag-aaral mo?” tanong naman sa akin ni Ninong. “Bakasyon pa po Ninong. Pero kakatapos ko lang po sa Grade 12. Bale college na po ako sa susunod na pasukan.” Nakangiti ko namang tugon sa kanya. “Oo nga pala. Eh boyfriend, mayroon ka na ba?” tanong naman niya sa akin. “Naku, Ninong, wala pa po ‘yan sa isip ko. Ang totoo nga po, ayaw kong magboyfriend eh.” “Bakit naman?” Nangunot ang noo niya. “No offense, Ninong ha, kasi ang mga kakilala ko pong lalaki na kaedad ko, puro babaero. Mai-stress lang ako kapag nagboyfriend ako.” Tumawa naman siya sa sinabi ko. “Well, you’re somehow right... Lalo na ang mga lalaking ganyan ang edad, madalas puno pa ng curiosity at gustong mag-explore.” “Tama ka po, Ninong. Kaya nga ayaw ko munang mag-boyfriend. May mga nanliligaw naman sa akin pero ang past relationships nila ay papalit-palit lang sila ng girlfriend. Tsk. Mas gusto ko pa ang lalaking mas matanda sa akin. At mabuti pang tikim-tikim lang muna bago ako pumasok sa seryosong relasyon.” Pabulong na dugtong ko sa huli na palagay ko ay hindi naman narinig ni Ninong. “Ano’ng sabi mo? Tikim... What?” “Ahm, ang ibig ko pong sabihin…” Mabuti na lang ay naagaw ang atensiyon ni Ninong nang marinig naming bumukas ang gate. Mukhang nandiyan na si Daddy! Tumayo ako at sumilip sa bintana. Napangiti ako nang masigurado kong si Daddy nga ang dumating. "Nandiyan na po si Daddy!" pagbabalita ko kay Ninong Max na agad namang napangiti. "Mabuti naman. Hindi ko kasi sigurado kung sa dati pa rin siya nagtatrabaho kaya dito na lang ako dumiretso." Ilang segundo lang ang dumaan at pumasok na sa loob ng bahay si Daddy. Pero kakabukas pa lang niya sa pinto ay pasigaw na niya akong tinatawag. "Lorie? Kaninong sasakyan ba ang nasa labas ng gate—" Bigla siyang natigilan pagkakita niya kay Ninong Max na nakatayo na at nakangiti sa kanya. "Mabuti naman at umuwi ka na, P're." ani Ninong Max sabay salubong kay Daddy. "Max? Max! Tang'na... Nandito ka pala? Kailan ka umuwi?" masiglang tanong ni Daddy kay Ninong bago sila nag-bro hug. Humalik naman ako sa pisngi ni Dad pagkatapos, at minabuti kong iwan na lang sila sa living room para mas makapagkuwentuhan sila ng maayos. Mabuti na lang din at dumating na si Daddy, kundi ay baka kung ano na ang nasabi ko kay Ninong! Nakakahiya, baka bigla pa niya akong i-judge at isiping malandi akong babae. Papagabi na, kaya minabuti ko nang magluto ng dinner namin. Idinamay ko na rin si Ninong Max dahil mukhang matatagalan ang pagku-kuwentuhan nila ni Daddy. At hindi nga ako magkamali dahil maya-maya pa ay kumuha ng niluto kong adobo si Daddy. Pulutan daw nila ni Ninong dahil may dala itong imported na alak. Gabi na at nag-iinuman pa rin sina Daddy at Ninong Max sa sala namin. Nagluto naman ako ng sinigang na hipon para may mahigop silang masarap na sabaw para sa dinner. "Ano? Wala ka pa ring nagugustuhang babae? Napaka-pihikan mo talaga. Ang daming magagandang babae sa ibang bansa!" narinig kong bulalas ni Daddy nang silipin ko sila sa sala pagkaluto ko ng sinigang. Namilog ang mga mata ko at hindi ko naiwasang ma-curious sa pinag-uusapan nila ni Ninong Max. Mukhang lovelife—or relationship status ang topic nila. Nagtago ako sa pader at mas lumapit pa. "What can I do? Hindi ko naman mapipilit ang puso ko na magkagusto sa kung sino." Sagot naman ni Ninong Max. Nakita ko pa siyang uminom ng alak pagkatapos. "P're, 'wag ka nang gumaya sa akin. Ako, ayos lang sa akin na tumandang binata dahil may anak na ako. Eh, ikaw? Sino ang makakasama mo pagtanda mo?" "Tss. I can just hire someone who can take care of me. Tsaka bata pa naman ako. Mas matanda ka sa akin, remember? I'm just 39. Marami pa akong oras para makahanap ng babaeng seseryosohin ko. Eh ikaw, kailan ka ba huling tumikim ng babae?" Napangiwi ako sa pinatutunguhan ng topic nila. Mukhang magiging rated SPG na yata ang topic nilang dalawa. "Tss. Wag mo nang pakialaman ang s*x life ko. Tungkol sa'yo ang pinag-uusapan natin. Ano, hanggang tikim-tikim ka na lang ba? Hihintayin mo pang tumanda ka bago ka mag-asawa? Baka maunahan ka pa ng inaanak mo na magkaroon ng sariling pamilya." Ani Daddy. Umasim ang mukha ko dahil malamang ay ako ang tinutukoy ni Daddy. Bakit naman kaya nasabi ni Dad na baka maunahan ko pang makapangasawa si Ninong Max? Ni hindi pa nga ako nagkakaboyfriend kahit isa. Ito talagang si Daddy oh, ginagawan ako ng issue sa favorite kong Ninong. Tssk. "How? Eh ayaw nga raw mag-boyfriend ni Lorie? She told me that a while ago. Ayaw niya raw sa mga kaedad niyang nanliligaw sa kanya. Mas gusto niya raw iyong mas matanda sa kanya." Napailing na lang ako dahil ako na ang pinagtsismisan nina Daddy at Ninong. "Sinabi niya 'yon? Ah basta, ito ang sinasabi ko sa'yo, tumigil ka na sa patikim-tikim lang sa mga babae. Maghanap ka na ng babaing makakasama mo hanggang sa pagtanda mo. Siguraduhin mo lang na hindi gaya ni Bann ang babaing magugustuhan mo." Ani Daddy na ang tinutukoy ay ang Mommy ko. "What's wrong sa pagtikim-tikim ng babae? Hindi ko naman sila pinipilit. It's their own choice—" Natigilan sa pagsasalita si Ninong Max kaya muli akong napatingin sa kanila. Pero nanlaki ang mga mata ko dahil nakatingin na pala sa akin si Ninong Max. Nakita niya akong nagtatago at nahuling nakikinig sa kanila! Kaagad akong tumalikod at nagtungo sa kusina. Yan kasi, Lorie, tsismis pa! Nagulat na lang ako nang sumunod si Ninong Max sa akin dito sa kusina. "Lorie..." Humarap ako sa kanya pero hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Nahihiya ako dahil nahuli niya akong nakikinig sa kanila ni Daddy. Rated SPG pa naman ang topic nila. "N-Ninong... May kailangan ka po?" "Narinig mo ba ang sinabi ko kanina?" Balik-tanong niya. "Ahm..." "It's not right to eavesdrop. Pero mali din ang sinabi ko. Kalimutan mo na lang ang sinabi ni Ninong, okay?" "Tungkol po sa pagtikim ng mga babae?" Tanong ko pero agad ko ring lihim na pinagalitan ang sarili ko. Tanga lang, Lorie? Sinabi na ngang kalimutan na pero binanggit mo pa! Natawa tuloy bigla si Ninong at lalo siyang lumapit sa akin. "Yeah. s*x isn't a game. And only mature and responsible people should engage in s*x without commitment because it has a corresponding risk and responsibility. A young woman like you should never entertain that idea. Got it?" Malumanay at nakangiting payo sa akin ni Ninong. "Opo, Ninong." Sagot ko naman sa kanya kahit sa loob-loob ko ay gusto ko ring masubukan ang tikim-tikim lang sa s*x na walang commitment na kasama. "Good girl." Ani Ninong sabay haplos sa pisngi ko. Napangiti na lang ako. Napangiti rin sa akin si Ninong at ewan ko ba kung bakit bigla siyang naging sexy at hot Ninong sa paningin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD