(LORIE'S POV)
Pasukan na naman. I am now a first year college student taking up Bachelor of Science in Hospitality Management. Mahilig din naman akong magluto ng pagkain kaya ito ang pinili kong kurso. Gusto ko ring magtrabaho balang araw sa back office at feeling ko ay makakatulong ng malaki itong course na kinuha ko.
Iba-iba ang course na pinili namin ng friends kong sina Annie, Chie at Doxa. pero dahil same University lang ang pinasukan namin ay nagkikita-kita pa rin kami. Gaya ngayon.
Pagkagaling nga sa school ay naisipan naming magkita-kita at mamasyal sa mall.
Kaya lang, habang nagwiwindow shopping kami ay nakasalubong naman namin sa Mall ang grupo nina Eldon. Kaklase din namin noon si Eldon at malaki ang pagkakagusto niya sa akin. Sinubukan niya ring manligaw sa akin noon, pero binasted ko siya agad dahil wala naman talaga siyang pag-asa sa akin. Bukod sa mayabang ay basagulero pa minsan. Masyado kasing pabida at gwapong-gwapo sa sarili niya.
Gwapo rin naman siya talaga... Pero wala akong nararamdaman na espesyal para sa kanya.
"Hi, girls! Hi Lorie! Could this be fate seeing you here?"
Napataas agad ang kilay ko sa ka-preskuhan niya. Hindi yata siya aware dahil ngiting-ngiti pa siya.
"Ang corny mo, Eldon!" —Chie.
"Basted ka na nga, bumabanat ka pa."—Doxa.
Nailing na lang ako sa pambabara kay Eldon ng mga kaibigan ko. Buti nga sa kanya!
"Saan kayo pupunta? Wanna grab some snack?" alok pa ni Eldon sa amin bago tumitig sa akin, binalewala lang kahit binabara na siya.
"No, thanks—"
"Sure, why not?" agad na putol ni Chie sa pagtanggi ko.
Sinamaan ko ng tingin si Chie. Walang loyalty talaga ang babaeng ito kapag tungkol na sa pagkain ang usapan!
"Basta libre mo lahat, ha. Saan ba tayo kakain?" tanong naman ni Annie sabay hila sa akin.
Napatapik na lang ako sa noo ko dahil hindi na nga ako nakatanggi sa paanyaya sa amin ni Eldon. Mayaman naman kasi siya dahil may sariling Grocery Store ang pamilya niya kaya malakas ang loob niyang manlibre sa amin. Tsk.
"Saan niyo ba gusto? Ikaw, Loriebabe, may gusto ka bang kainin?"
Inikutan ko lang siya ng mga mata. Wala talagang kadala-dala!
"Pizza na lang!" Biglang suhestiyon ni Doxa.
"Wag nang pizza. Rice na lang at chicken!" suhestion naman ni Chie.
Napairap na lang ako sa mga kaibigan ko na handa pa yata akong ibenta kay Eldon para lang sa pagkain.
"Don't worry, girls, lahat 'yan ay kakainin natin. Sa foodcourt na lang tayo kumain kung okay lang. Okay lang ba Loriebabe?"
Tumango na lang ako kay Eldon.
May iniabot siyang pera sa kasamahan niya pagkatapos ay nagpunta na kami sa foodcourt at naghanap ng malaking mesa roon. Mukhang ang kasama na niya ang inutusan niyang umorder at bumili ng mga pagkain.
Pumuwesto kami sa mahabang mesa dahil apat kaming babae at tatlo naman silang lalaki.
Ang ikinainis ko pa ay binigyan ng friends ko ng space si Eldon para makaupo sa tabi ko. Hindi ko na tuloy napigilang bumusangot pero wala na ring nagawa ang pagsimangot ko.
Bakit ba naman kasi ayaw tanggapin ni Eldon na wala siyang pag-asa sa akin? Nagsasayang lang siya ng oras at pera niya. Pera pala ng mga magulang niya dahil panay lang naman ang bulakbol at pagyayabang niya.
Sinubukan pa akong subuan ni Eldon at ang mga baliw at parang patay-gutom kong friends ay nagchi-cheer pa sa kanya. Tsk. Ang sarap talaga nilang itakwil bilang kaibigan!
Sinamaan ko na lang silang lahat ng tingin at hindi ako nagpapilit sa drama nila.
"Sagutin mo na kasi si Eldon, Lorie, para damay lagi kami sa libre." pabulong at humahagikhik na bulong sa akin ni Annie nang makalabas na kami sa foodcourt.
Inirapan ko siya, maging sina Chie at Doxa. Mga buraot!
"Loriebabe, gusto mo bang manuod ng sine?"
"Tara! Libre mo ulit, ha?" tugon agad ni Doxa kahit hindi naman siya ang tinatanong ni Eldon.
"Kayo na lang. Baka kasi hanapin na ako ni Daddy." palusot ko.
"Tara na kasi! Minsan lang naman." Pamimilit na rin sa akin ni Annie at ganoon din si Chie.
Ayaw ko talaga, dahil baka tabihan pa ako sa upuan ni Eldon at gapangin. Yuck! Ang dami ko pa namang naririnig na tsismis na kapag nasa sinehan daw ay may mga nangyayaring milagro sa magkatabing babae at lalaki. Eiw! Wag na kung si Eldon lang naman. Mabuti pa siguro kung si Ninong—
"Ninong? Ninong!" Malakas kong tawag nang makita ko si Ninong Max!
Baka ito talaga ang totoong tadhana at hindi ang pagkikita namin ni Eldon!
Napalinga sa paligid si Ninong Max. Mukhang kakagaling lang niya sa repair shop ng mga cellphone at gadgets.
Nakita naman kaagad niya ako at ngumiti agad siya sa akin. Nilapitan ko siya, at humakbang din siya palapit sa akin.
"Ninong! Nandito ka rin pala?" tanong ko, at agad akong humalik sa pisngi niya. Napahawak naman ang isang kamay niya sa baywang ko at ang isa ay may hawak na maliit na paperbag na may tatak ng kilalang cellphone brand.
Tumingin muna siya sa akin. Pagkatapos ay tumingin siya sa likod ko. Napansin niya yata ang mga kasama ko dahil nakatingin na silang lahat sa amin.
Bumitiw na rin si Ninong Max sa baywang ko.
"Yeah. I bought a new phone charger. Nasira kasi 'yong charger ko." ani Ninong habang nakangiti sa akin.
Ang gwapo talaga ng Ninong ko! Kaya nga crush na crush ko na siya ngayon.
"Ah, ok po."
"Are you with your friends? Or... are you on a group date?"
Tinapunan niya ulit ng tingin ang mga kaibigan ko. Nandoon din kasi sina Eldon, at titig na titig sa akin ang mokong. Hindi na nahiya sa Ninong ko!
"With friends po. Kaya lang, nagkita kami ng isa sa makulit na admirer ko. Niyayaya nga akong magsine, pero ayaw ko, Ninong!" kuwento ko kay Ninong.
"So... Saan ka na pupunta? Uuwi ka na ba?"
"Ahm... Puwede bang sumabay na lang ako sa iyo, Ninong? Kahit ihatid mo lang ako sa sakayan." request ko kay Ninong.
"Okay... Ayos lang naman sa akin. Ihahatid na lang kita pauwi."
"Talaga po, Ninong? Thank you po! Magpapaalam muna po ako sa friends ko."
Nang tumango siya ay mabilis akong lumapit sa mga kaibigan ko.
"Ninong mo 'yon? Ang pogi, ah!" salubong agad sa akin ni Chie.
"Single pa ba siya?" tanong naman ni Annie.
"Girl, ang hot niya!" tila kinikilig namang wika ni Doxa.
Nginisihan ko sila. Huh, maglaway sila sa Ninong Max ko!
"Oo. Papunta pala siya sa bahay namin, kaya sasabay na ako sa kanya pauwi. Bye girls! Bye Eldon, salamat sa pagkain."
Hindi ko na hinintay ang sagot nila at mabilis na akong tumalikod sa kanila. Mabuti na lang talaga at nandito rin si Ninong Max! Tadhana talagang magkita kami ngayong araw.
"Tara na po, Ninong."
Kumapit ako ng mahigpit sa braso ni Ninong Max at napangiti na lang siya sa akin.
Ang tigas ng braso ni Ninong... Ang laki ng muscles! Parang ang lakas niya at napakatibay ng katawan. Parang ang sarap niyang yakapin ng mahigpit!
Perfect timing pa siya kaya para siyang savior ko mula kay Eldon.
"So, one of those guys is your suitor?" tanong ni Ninong habang bumabyahe na kami.
Sakay kami ng magarang kotse niya. Siya ang nagmamaneho at nakaupo naman ako sa tabi niya.
"Opo, Ninong... Ayaw ko do'n kasi may pagkabasagulero 'yon. Tsaka may pagka-playboy. Mai-stress lang ako sa kanya."
Nang ngumiti at tumango lang si Ninong Max ay ako naman ang nagtanong.
"Ninong... Talaga po bang... Babaero ka rin? Ibig kong sabihin... na marami kang babae? Na nakikipaglaro ka lang sa mga babae?"
Napayuko agad ako bago pa man magtama ang tingin namin. Ewan ko ba kung bakit naitanong ko pa ang mga iyon.
Wala naman sigurong masama kung gano'n din si Ninong Max kasi adult na talaga siya at responsable sa mga ginagawa niya. Mayaman pa siya. Hindi kagaya sa mga kaedad kong lalaki na bukod sa mapaglaro lang ay dependent pa sa parents nila.
"Why do you ask these things? Hindi ba't sinabi ko nang wag mong ii-entertain sa isip mo ang tungkol sa bagay na 'yan?"
Bagama't pasita ang pagkakatanong niya pero nang lingunin ko siya ay nakangiti naman siya nang bahagya sa akin.
"You're curious, is that it?"
"O-Opo... P-Pasensiya na po kung naitanong ko, Ninong..."
"Hmm... At your age, hindi na nakakapagtaka na ma-curious ka sa mga bagay-bagay lalo na tungkol sa s*x. Mabuti nga at hindi ka basta na lang nakikisama sa kung kaninong lalaki just to satisfy your curiosity." Aniya, kaya napatitig ako sa kanya.
"Well... To answer your question, maybe you can say na babaero ako... I do casual s*x with women na willing rin na makipag-s*x sa akin. Pero hanggang doon lang ang mamamagitan sa amin. And as I've told you before, it's a mutual understanding na hanggang s*x lang ang mangyayari sa amin." sabi pa ni Ninong Max.
"Eh paano po kung mabuntis mo ang babae?" curious at inosente kong tanong dahil wala naman akong masyadong alam tungkol sa s*x.
Bigla na lang tumawa si Ninong.
"It won't happen 'coz I'm always using protection." Aniya.
Protection? Ibig sabihin ba niya, condom? So dapat pala magcondom para hindi makabuntis ang lalaki?
"Ah... Ganoon po pala 'yon, Ninong..."
"Yeah... And there are other ways para hindi mabuntis ang isang babae. Just like taking contraceptive pills."
Pills? Oo nga pala, nakarinig na rin ako ng tungkol sa pills! Pero hindi ko masyadong alam ang tungkol doon. Ang akala ko nga ay mga babaeng may-asawa lang ang puwedeng gumamit ng pills.
Kung gano'n... Puwede kayang... Subukan ko kay Ninong... ang s*x? Ninong ko naman siya, at gusto ko siya kumpara sa mga lalaking nagkakagusto sa akin.
Kung siya, mas magiging unforgettable pa sa akin ang unang beses kong makipag-s*x.
"We're here." biglang sabi ni Ninong kaya napakurap ako at napatingin sa labas ng bintana.
Nasa labas na nga kami ng maliit na gate ng bahay namin ni Daddy. Medyo madilim na pero halatang wala pa sa bahay si Daddy dahil madilim pa sa loob ng bahay namin.
"Ahm, thank you po sa paghatid sa akin, Ninong..." Wika ko kay Ninong Max sabay lingon sa kanya.
"No problem. Basta tandaan mo Lorie, 'wag mong basta ibibigay ang sarili mo sa kung kanino lang na lalaki, okay? I know na common na ang s*x sa mga kabataan ngayon, pero hindi mo kailangang makiuso." payo pa ni Ninong sa akin.
"Opo, Ninong." sagot ko.
Hindi talaga ako makikiuso sa mga kaedad ko na papalit-palit ng karelasyon dahil si Ninong lang ang gusto ko.
Kinalas ko na ang seatbelt ko at lakas-loob akong lumapit sa kanya. Nagbeso ako sa kanya, pero pikit-matang pinalandas ko ang mga labi ko sa mga labi ni Ninong Max.
Ramdam kong natigilan siya at nanigas ang katawan niya. Gayonpaman ay hindi niya ako itinulak palayo sa kanya.