(LORIE'S POV) "Are you okay, baby? Natagalan ka yata sa CR? Susundan na nga sana kita kung natagalan ka pa nang kaunti." "Okay lang ako, Ninong Max. Nag-retouch lang ako." I answered him. Nakabalik na ako sa table namin at nadatnan ko ring nai-serve na ang pagkain. Ang daldal ba naman kasi ng Lea na iyon at kung anu-ano ang pinagsasabi kahit kabastusan na. Wala man lang siyang class. Lalo siyang hindi seseryosohin ng mga lalaki kung ganoon siya. Mismong siya kasi sa sarili niya ay bastos. Buti nga at pinatos pa siya noon ng Ninong Max ko. Hmp. "About Lea..." "It's okay, Ninong. Hindi mo naman kailangang mag-explain sa akin tungkol sa kanya. Wala din akong karapatan na kuwestiyunin ka sa past mo. Basta ba hindi siya manggugulo at safe pa rin ang secret natin ay wala naman tayong dapat

