(LORIE'S POV) Wala na. Iniwan na ako ng Daddy ko. Sobrang biglaan lang ng nangyari. Hindi ko akalaing mamamatay pala siya dahil sa isang aksidente. Masaya pa kami noong mga nakaraang araw, nagbonding pa kami. Tapos, bigla na lang siyang mawawala sa akin? Hindi pa rin ako makapaniwala na tuluyan na niya akong iniwan. Na kailanman ay hindi na siya babalik. "Baby? Let's go? You need to rest." Napalingon ako kay Ninong Max mula sa pagtitig ko sa urn ni Daddy. Oo, ipina-cremate namin ang katawan ni Daddy dahil iyon ang nabasa ko sa sulat na iniwan niya sa akin. Para bang alam na niya o ramdam na niyang mamamatay na siya kaya siya gumawa ng ganoong sulat para sa akin. May iniwan din siyang Last Will and Testament kung saan ay ipinamana niya sa akin ang bahay namin. May savings din pala siy

