(THIRD PERSON POV) Nakatingin lang si Henry sa kaibigan niyang si Max nang kunin nito ang cellphone, may binasa roon at nagtipa ito ng tila may kahabaang mensahe sa kung sino mang tinext nito. Napangiti na lang si Henry hanggang sa ibinulsa na ulit ni Max ang cellphone nito. "Pare, mukhang inspired ka yata lately, ah." ani Henry sa matalik na kaibigan. Natigilan naman saglit si Max at lihim na napaisip. Mukhang nagiging careless na siya dahil masyado siyang naaapektuhan ni Lorie. "Ahm, hindi naman, P're." Deny ni Max sa kung anumang nais ipahiwatig ng kaibigang si Henry. "Pare, kilala kita. Kahit matagal kang nawala ay ikaw pa rin ang kaibigan kong si Max. Sigurado akong babae ang ka-text mo. Tama ako, hindi ba?" nakangiti at tila nanghuhuling tanong ni Henry. Napangiti si Max dahil

