(LEON'S POV) Nang magising ang diwa ko ay kaagad bumalik sa gunita ko ang nangyari kagabi. Kung paano ko nakita ang isang magandang babae sa bar, kung paano ko siya dinala sa condo ko at paano ko siya inangkin sa mismong kama ko. Awtomatiko akong napangiti sabay kapa sa kanya sa tabi ko. Pero kaagad akong napadilat sabay lingon sa tabi ko nang hindi ko na siya makapa roon. At tama nga ang hinala ko, wala na siya sa kama ko. I immediately sat on my bed then got off. Sinilip ko ang banyo ngunit wala doon ang babaeng nakaniig ko. Nagmadali akong lumabas sa kuwarto para tingnan sa receiving area ng condo ko kung nandoon ba siya pero wala rin. Nagsuot ako ng roba, pagkatapos ay sumilip ako sa labas ng condo at baka sakaling matanaw ko pa siya sa labas, pero wala na talaga siya. Napabuntong

