(LIANNA'S POV) "W-What?" Gusto niya akong ligawan? Gusto niyang magkaroon kami ng relasyon na legal? Huh! Malamang ay sa simula lang siya ganyan. Nacha-challenge lang siguro siya sa akin at naku-curious kung ano akong klaseng babae. Pero oras na malaman na niya ang tungkol sa pamilya ko ay magiging dismayado na siya sa akin. There's also a big possibility na baka ma-bored lang siya sa akin dahil hindi ako palabiro na babae, hindi ako pala-lakwatsa at gaya nga ng laging sinasabi ni Jennah sa akin ay masyado akong old-fashioned. Hindi ako sumasabay sa mga uso hindi lang sa pananamit kundi pati na rin sa mga activities ng mga kaedaran ko. Hindi ako outgoing na tao at kakaunti lang din ang mga kaibigan ko. At kung gagala o lalabas man ako ay hindi iyon sa mga lugar gaya ng bar at mga part

