OBH. 41. NAGISING AKO na kulay puti ang nakikita . At lalong hindi pamiliar sakin ang lugar. 'nasaan ako?' naguguluhan kong tanong sa sarili. Bigla ko naalala na nabaril pala ako at nahulog kasama si Nadalyn, sa mataas na building ng Alcantara empire. 'Teka! What? Nahulog ako? Patay na ba ako?' bigla ako napabalikwas, agad ko nilinga ang mga mata ko. Isang malaki at puro puti ang pintura ng kabuoan ng kwarto. Na tanaw ko na may bintana sa dulo kaya agad ko tinakbo at hinawi ang kurtina. Bumungad sakin ang malawak na karagatan. may mga iilan din puno ng niyog at mga iba't ibang uri ng puno. 'fvck! Nasaan ako? Another kidnapping na naman? Wala na bang kataposan kidnapan na' to? Or baka nga patay na ako.. Ah ewan' kastigo ng utak ko. " Glad that you wake now Cian." napalingon agad ako

