Alas Dos na nang umaga pero 'to buhay na buhay parin si Theros. Para kulang nalang dalhin niya na ang mga damit niya sa unit ko. Panakaw ko siyang tinitigan dahil kahit kailan man hindi ko pa 'to nasilayan kung ano ang itsura nito. May konti 'tong bigote, kulay abo ang mata at mapuputing ngipin. Matangkad din 'to at siyempre matikas ang katawan.
"T-theros, wala ka bang balak umuwi? Baka gusto mo magpalit nalang tayo ng unit! " Taas kilay kung saad habang naka-cross ang aking kamay habang siya ay patuloy lang sa kakanood ng Television.
"Puwede ba ampunin mo nalang ako," sagot naman niya sa akin sabay pa-cute. Gusto ko ngumiti ngunit pinipigilan ko lang ang aking sarili. Sa totoo lang kinikilig ako pero ayaw ko lang ipahalata at baka sabihin n'ya sa akin gustong-gusto ko din ang ginagawa n'ya.
"Puwede ba, Mr. Mayabang! umuwi kana at baka makarating 'to sa ibang ka-unit natin at pag-fiestahan pa ako," mariin ko na saad sa kanya. Nagkunwari akong inis para umuwi na s'ya pero sadyang makapal ang mukha nito dahil ayaw parin tumayo at nagkunwaring tulog.
"Hey, tumayo ka na diyan. Pupunta dito si Mommy kaya sigurado pagnalaman n'ya 'to, papaalisin n'ya ako dito at pauwiin sa bahay," alibay ko sa kanya para umuwi na s'ya. Hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit iba ang sinasabi ng bibig ko, pero gusto ng puso ko na mag-stay pa sa unit ko.
"Sige, na nga! Bukas puwede ihatid kita sa trabaho mo?"
Hindi ko muna sinagot ang tanong niya bagkus pinakiramdaman ko muna kung totoo ang sinasabi n'ya. "'wag na. May sasakyan naman ako at isa pa ibang ways naman tayo."
"Please! Gusto lang talaga kita ihatid." Sobrang namimilit 'to sa akin. Kunting pangungulit nalang at bibigay na ako sa mayabang na 'to .
"I will see tomorrow. But I'm not making any promises, so don't get your hopes up." Mataray kung sagot sa kanya. Hello, hindi ako easy to get pero mukhang bibigay ako kung ganito ka-gwapo ang kaharap ko.
"Ang ganda mo talaga. Makita lang kita araw-araw buo na aking malungkot na mundo." Humirit pa 'to ng hugot lines kahit nasa labas na 'to ng pinto. Hindi pa ako nakasara ng pinto nang bumalik siya sa akin at nang-asar muli.
"Ang kulit mo. Gusto ko na matulog." Kagat labi kung saad.
"May nakalimutan ka! Nasaan ang kiss ko," saad niya sa akin habang tinuturo ang pisngi niya.
"Manigas ka!" Kinindatan niya nalang ako at saka umuwi na. Habang tinitingnan ko s'ya papasok ng unit niya, gusto ko siyang tawagin para sa unit ko nalang matulog. Haisst. Ano ba 'tong mga iniisip ko. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko dahil sa hanggang ngayon nakatayo parin ako sa pintuan ko. Nagbabakasakaling lumabas ito muli. Sounds crazy, pero totoong mukhang baliw talaga ako ngayon dahil nakangiti ako kahit walang kausap. Bigla kung naalala ang ang sinabi ng daddy niya na ikakasal na 'to.
Pinitik ko ang aking noo at saka pumasok na. Niligpit ko ang aming pinagkainan ngunit napahinto ako nang maamoy ko ang cushion na inupuan niya. Ang bango sobra. Pagkatapos ko mag-ayos at maghugas ng plato binalikan ko ang cushion at dinala sa silid ko. Gusto ko itong yakapin. Para akong sira ulo habang panay singhot sa cushion. Mabuti nalang at wala dito ang bestfriend ko dahil sigurado ako natutuksuhin o babatukan niya lang ako.
"Goodnight, Mr. Yabang!" saad ko sa cushion at niyakap nang mahigpit. Ngunit paikot-ikot ako sa aking higaan dahil hindi ako makatulog. Nang biglang umilaw ang cellphone ko. Nakangiti ako habang inaabot ang ito. Agad ko tiningnan kung sino ang nag-chat sa akin. Nag-flash sa cellphone ko ang pangalan ni Mr. Yabang. Bigla bumilis ang t***k ng puso ko nang makita ang profile niya. Alam ko talaga na kamay ko ang nasa larawan. May caption pa 'tong my future wife. Hindi na ako nag-stalk pa sa profile niya bagkus binasa ko agad ang mensahe dahil sa sobrang excited.
"Hindi ako makatulog. Kahit ipikit ko pa ang aking mga mata, nakikita ko parin ang masungit mong mukha. May kumikindat na emoji pa itong nakalagay. Sana makatabi man lang kita kahit sa panaginip ko," saad ng mensahe niya sa akin. Abot tainga ang ngiti ko when I read his message. Agad ko 'tong ni replay-an.
"Sige, hintayin mo ako dahil sasakalin kita sa panaginip mo." Masungit kung reply sa kanya.
"Talaga? Okay lang, kung sasakalin mo ako ng pagmamahal mo. Sending hugs and kiss. Oy, huwag kang ngumiti d'yan dahil may flower pa iyan." Kumunot ang noo ko nang mabasa ang huling mensahe n'ya sa akin. Ayos na sana pero may pang-aasar panghabilin.
Nag-send din ako ng heart para magpasalamat. At pinatay ko na ang cellphone ko dahil parang walang siyang balak matulog.
Theros POV
Noong nakita ko siyang kausap ang aking ama bigla akong nataranta. Nakakapit kasi Maureen sa braso ko. Gusto ko s'yang takbuhin at yakapin ngunit natatakot ako at baka i-reject niya ako ulit. Pasalamat ako at tinawag ako ni Daddy at nagkaroon ako ng rason para iwasan si Maureen. Palihim ko siyang pinagmamasdan upang alamin ang reaksyon niya pero hindi manlang ito timutingin sa akin. Sinadya ko talaga na magtagal sa bahay nila. Gusto ko siyang makilala kaya gagawin ko ang lahat para mapa sa akin siya. Sinadya ko din hinubad ang sando ko dahil gusto ipakita ang magandang kung katawan ngunit para hindi 'to tinalaban. Hanggang sa pagpasok ko ng bahay ay agad ko 'to tiningnan sa butas ng unit ko. She stood at her door smiling sweetly. Gusto ko siyang lapitan ulit pero pinigilan ko ang aking sarili dahil baka hindi ko makontrol ang aking pagnanasa sa kanya. Kaya minabuti ko nalang i-chat siya. First time kung ginawa 'to sa tanang ng buhay ko
Para akong baliw na nag-aabang ng reply niya. Kadalasan ang mga babae ang lumalapit sa akin pero nang makilala ko siya, natuto na akong i-ignore ang ibang babae. Kahit marami chat, calls at message sina Spencer, Woody at Levi, hindi ko 'to pinansin dahil mas mahalaga s'ya sa akin. Masyadong mabilis ngunit parang hindi kompleto ang araw ko kung hindi ko s'ya makita.
Halos 30 minutes na akong nag-aantay ng reply n'ya ngunit wala parin kaya minabuti ko nalang matulog na din.