Pagdating namin sa isang sikat na restaurant, agad kami in-assist ng manager. Palihim kong inikot ang dulo ng mata ko at nakita ko nga ang kapatid ko at si Maureen. Halos lahat ng mga costumer ay nakatingin sa amin dahil sa terno ang damit namin tatlo. Ngunit nagtaka ako bakit ang polo ng ampon ni Theros ay terno din. Pinandilatan ko ng mata si Sherryl. How come na pareho din siya ng damit namin? "May problema ba sa katulong ko?" Mataray na tanong sa akin ni Maureen. Bigla kong binaling ang tingin ko kay Maureen at napahinto ako ng makita ko si Mommy na kasama niya. Napalunok ako ng laway dahil sa awa ko sa sarili. Biglang nalungkot ang mukha ko. "Ma'am, hindi niya ako katulong dahil Yaya at ladyguard ako ng anak ni Sir Theros," saad ni Sherryl sabay apak sa paa ko. Hilaw akong ngumiti

