Masaya akong nakangiti habang inaalala ang date naming tatlo kahapon. "Ate Jera, ano ang plano mo ngayon nahulog na ng tuluyan sa kamay mo si Theros?" "Nagawa niyo na bang ilipat ang lahat ng pera ng kompanya ng Almeda at Suplico sa Company natin?" Tanong ko sa dalawa kong kapatid. "Yes, Ate Je. Natapos ko na. Nabayaran ko na lahat ng tao sa financial management at malinis ang pagkagawa nila. Ngunit nakita ng team ko na may nawawalang 15 billion sa kompanya ng Almeda." "Hayaan mo na iyan ang importante walang natira sa kompanya nila. Gusto ko pareho silang bumagsak." "Malinis na lahat. Ano ang sunod mo na plano?" "May naisip na akong plano at gusto ko surprise ko sa inyo iyon. Sa ngayon gusto ko pumunta sa birthday ni Thyra. Ngayon araw malalaman ni Theros na ang Kuya Thyron niya a

