Pagkatapos ng dalawang linggo na paghihintay, dumating na nga ang takdang araw ng kasal namin. Pareho kaming nagkasundo na sa Isla kami ikakasal. Nasa buong Isla na silang lahat. Si Sherryl lang at mga tauhan niya ang naiwan dito na kasama ko. Parang feeling ko Mafia Queen parin ako dahil sa sobrang daming armado na nakapalibot sa yate na maghahatid sa akin sa Isla. Dati sa tuwing nakikita ko ang dagat may takot ako pero ngayon para akong dinuduyan dahil sa tahimik at sariwang hangin na humahampas sa mukha ko. Pagdating ko sa Isla sabay-sabay pumutok ang mga fireworks at baril. Yes, gabe ang napili naming kasal dahil sabi niya nga diretso honeymoon ganun siya kasabik. Ipinangako ko sa aking sarili na hindi ako iiyak pero mukhang hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Nakangising lumapit sa

