Sinundan ko si Daddy sa conference room. Mamaya panaman ang meeting kaya kami lang ang tao dito. "Dad, please, hayaan mo ako sa gusto ko."
"Kaya nga pinagsasabihan kita dahil ayaw ko mapasama ka."
"Really Dad? Minsan napaisip ako, sa akin ka ba talaga concern o sa reputation mo?"
Tinitigan ako ng masama ni Daddy. "Nagiging bastos kana Theros. Huwag mong hintayin makalimutan kita bilang anak ko."
Napabuga ako ng hangin dahil sa inis kay Daddy. Simula nang inataki sa puso si Daddy ako na ang nagpatakbo ng kompanya dahil sa wala siyang tiwala kay Kuya Thyron. Kaya napilitan akong gampanan ang obligation n'ya.
"Huwag kang magalit sa akin dahil ginagawa ko 'to para sa sa'yo. Ipapa-cancel ko ang meeting ngayon. Fix yourself, anak. Sige na aalis na ako," saad ni Daddy bago lumabas ng conference room
"Ahhhrggg... I hate this life." Lalo ako na stress kapag naiisip ko ang gusto ni Daddy. Gusto ko maglaasing para maibsan ang bigat sa dibdib ko. Tinawagan ko si Woody para samahan ako. Hindi ko alam kung sasama sa amin sina Levi at Spencer dahil may mga pamilya na 'to.
Ring...Ring....Ring... Nakatatlong dial ako bago sinagot ni Woody ang aking tawag.
"Bro, busy ka ba ngayon? Puwede samahan mo ako. Kailangan ko ng kausap ngayon."
"Bro, mukhang malaki ang problema mo!"
"Malaki talaga, bro! Kailangan ko ng kausap ngayon dahil para akong mababaliw," saad ko kay Woody.
"Sige, tawagan ko na din sina Spencer at Levi."
"Thank you, Bro." Pagkababa ko ng tawag agad ako nagpaalam ka sekretarya ko.
"Belyn, aalis ako. Ikaw na ang bahala dito. Tawagan mo ulit ang sekretarya ni Mr. Collins na hindi tuloy ang meeting namin."
"S-sir, baka magalit ang daddy mo pagnalaman niya na hindi natuloy ang meeting mo kay Mr. Collins."
"Sekretarya lang kita, d'ba? At saka ngayon lang 'to. Si Daddy na rin ang nag-utos sa akin na ipa-cancel ang meeting with Mr. Collins. Siguro malinaw na sa'yo ngayon. Pero kung ayaw mo maniwala, tawagan mo si Daddy." Inis na saad ko sa kanya
"I'm sorry, Sir Theros. Concern lang ako sa'yo baka mapagalitan ka na naman ng daddy mo."
"Thank you for your concern. Just keep quiet, para sa ganun wala tayong maging problema. Nagkakaintindihan na ba tayo?"
"Y-yes Sir. Theros." Nakayukong sagot niya sa akin. Alam ko naman na ginagawa niya lang ang tungkulin n'ya bilang sekretarya ko.
THIRD PERSON
"Belyn, ang sungit talaga ng amo mo," saad ng katrabaho at kaibigan ni Belyn.
"Ay naku, kung hindi lang ako pinaki-usapan ni daddy. Hinding-hindi ako mag-wowork dito."
"Daddy? So, it means totoo ang balita na may panganay na anak si Sir Thyrix sa unang asawa?" Hindi makapaniwalang tanong ng mga katrabaho niya.
"Tama kayo. Ako nga ang bastarda ng mga Almeda. Ngunit masaya na ako nang tanggapin nila ako bilang kapamilya nila. Tanging si Theros nalang ang walang alam tungkol sa pagkatao ko."
"Ikaw ang panganay kaya dapat ikaw ang masusunod," dagdag pa ng mga kaibigan niya.
"Huwag na nga kayo maingay. Mamaya may makarinig pa sa atin dito," saway ni Belyn sa mga katrabaho niya.
"Totoo naman talaga na ikaw ang panganay. Hanggang kailan ba itatago ng daddy mo na may anak siya sa yumaong asawa niya."
"Hindi naman kasalanan ni Daddy kung ngayon n'ya lang nalaman na anak niya ako. Lately ko lang nalaman ang buong katotohanan tungkol sa pagkatao ko."
"Ohh siya, tara na. Mag-coffee nalang tayo. Pray mo nalang na lagi pumunta dito si Woody para naman magkaroon ng kulay ang araw mo." Panunukso ng mga kaibigan niya.
Si Belyn ay todo 'to trabaho para hindi matambakan ng trabaho ang kapatid, habang si Theros naman ay pinoproblema kung paano mapalapit kay Atty.Jera.
"Theros ano ang plano mo ngayon?" Tanong ni Levi na kakabalik lang mula sa ibang bansa.
"I like Jera. Pero paano kung kagaya din siya ni Marilou?"
"Bro, why you don't try na ligawan siya."
"Woody, ang bilis naman. Siguro puwede i-date mo na siya mo na. Parang getting to know each other."
"May pa getting to know each other pa kayo. Pareho lang naman ang ligawan mo na," sabat naman ni Spencer sa mga kaibigan.
"Tama na huwag na kayo mag-away. Iba si Jera sa ibang babae."
"Kung ganun ipakita mo na seryoso ka. Suyuin mo, bro."
Biglang akong nagka-ideya sa mga sinabi nila. Naalala niya na kaibigan 'to ng asawa ni Nathan. Agad niya tinawagan ang kaibigan at inalam ang condo unit ng dalaga.
"Guys I need your help. Kailangan kung bumili ng unit sa address na 'to," saad ko habang pinapabasa ang mensahe ni Nathan.
"Push mo na 'to. Support ka namin.," Saad ni Woody sabay tapik sa balikat ko.
"Pero may problema."
"Ano naman ang problema? Don't say wala kang perang pambili ng condo unit? Sarkatiskong tanong naman ni Levi.
"Of course no. Ang ibig kung sabihin, may problema sa floor kung saan ang unit ni Jera. Fully occupied na kasi. It means walang bakante."
"Patingin ng!" Pagkatapos tingnan ni Levi ang address ngumisi 'to sa akin habang hinihimas ang baba niya.
"Si Woody na ang bahala sa problema mo."
"B-bakit ako Levi? Ano ang magagawa ko diyan?"
"Remember, Shaika? Iyong schoolmate natin ng college?"
"Ah, ang tinutukoy mo ba ang weird at mukhang sinampal araw-araw dahil sa make-up na pulang-pula?" Tawang-tawa na saad ni Woody.
"Yes, exactly! Take note bro, family niya ang may -ari ng building na 'yan."
"S-so, ano naman ngayon kung sila ang may-ari?"
"Ang slow mo gago. Tulungan mo na si Theros para makakuha ng unit. " Nakangising saad ni Levi kay Woody.
Agad kami nag-research tungkol kay Shaika. At napag-alaman namin na isa na 'tong sikat na Surgeon sa ibang bansa, maski sa Pilipinas.
"Bro Woody, ang ganda niya na ngayon."
"Naku Spencer, sigurado ako pag-iyan ang nakatuluyan ko baka hindi niya maging kamukha ang anak namin."
Tawang-tawa kami kay Woody dahil sa reaksyon niya. Obsessed kasi ang dalaga sa kanya noong college pa kami.
"I will try bro, pero hindi ako nangangako."
Pagkatapos naming mag-usap tungkol sa hakbang na gagawin namin. Agad kami umalis para puntahan si Shaika sa hospital na pinagtatrabahuan niya.
Agad kami lumapit sa mga nurse na nasa information desk para itanong ang opisina ni Shaika.
Pagdating sa harap ng pinto nang nasabing opisina, bigla nalang kinabahan si Woody dahil sa hiya. Pinagtabuyan niya kasi dati ang dalaga.
"Ah sir, puwede na kayo pumasok. Tinawagan ko na kanina pa si Doktora," saad ng nurse sa amin.
"Thank you," saad naming apat sa nurse na nag-assist sa amin.
Naka isang katok lang kami dahil agad naman kaming pinagbuksan. Halos hindi namin siya nakilala dahil ibang-iba na ang dating itsura niya.
"H-hi!" Nahihiyang saad ni Woody sa dalaga.
"Mr. Valdez, may sasabihin ka ba at bakit mo ako hinanap?" Agad na tanong nito sa kaibigan ko. Hindi makapagsalita si Woody at nakatitig lang ito sa babaeng itinaboy niya noon.
"Shaika, I-i need your help," diretsahang saad nito.
"And what's that?"
"I need one unit sa floor 11 ng building niyo."
"I'm sorry, but that floor is already occupied. Pumili ka nalang ng ibang floor na may bakante."
"Pero doon namin gusto. I hope you can forgive us. Kailangan namin talaga makakuha ng unit sa floor na 'yon."
Tiningnan kami ng dalaga ng masinsinan saka nagsalita. "Okay, let's make a deal. Ibibigay ko ang unit ko sainyo, kung ikaw ang bibili."
Kumindat ako kay Woody para sumang-ayon na. Wala ng maraming usapan pa dahil agad naman pumayag ang dalaga. Halatang tinatago lang nito ang kilig habang kausap si Woody.
"Thank you, bro," saad ko kay Woody at pinugpog ko 'to ng halik.
"Kadiri kanaman Theros. Para kang bakla." Nandidiri na saad sa akin ni Woody. Hagalpak naman ang tawa ng dalawa.
"Masaya lang ako. Huwag mo na kayo umuwi dahil tutulungan niyo pa ako mamili ng gamit ko."
"As in now na?" Kunot-noo na tanong ni Spencer. Tumawag na kasi si Shanine at tinatanong kung saan na siya. Mas mahigpit pa 'to kay sa ina niya.
"B-bakit bro? Pinapauwi kana ba ni Marisol?"
"Wala akong prob sa asawa ko. Pero sa inaanak niyo mayroon. Nagtatanong na siya kung nasaan na ako."
Pailing-iling si Spencer dahil halos bahay at opisina nalang siya.
"Let's go. Mabilis lang tayo." Pamimilit ko sa kanila.
"Daddy, saan kayo pupunta?" Tanong ni Shanine na kababa lang sa kotse nito. At kasama pa ang anak ni Bakz na bakla.
"Anak, mamimili lang kami ng gamit ni Tito Theros niyo."
"Siguro may kababaglahan kayong gagawin?"
"N-no. Inaanak, ganito kasi iyon " Matapos ko i-kwento ang plano, tumawa lang 'to ng malakas.
"Sasama kami. At saka daddy huwag kang gagaya sa kanila."
Sumakit ang ulo ni Spencer dahil hindi talaga 'to nagpaawat. Sumana talaga 'to hanggang sa bagong condo ko.
Halos gabi na kami nang matapos ang pag-aayos. Tumawag na ako ng mag-aayos sa aking bagong condo para mabilis itong matapos.
"Thank you sa inyong lahat. At saka, matanong ko lang, sigurado ba kayo na maayos ang pagkakabit niyo sa CCTV sa labas?"
"Of course, yes! Hindi 'to mahahalata na may CCTV. Galingan mo bro. Panahon na para kalimutan mo si Marilou."
"Oh sige na, umuwi na kayo. Ingat sa pagmaniho." Masayang saad ko sa tatlong kaibigan ko.
Pagkaalis ng mga kaibigan ko, agad ako naligo at nag-toothbrush. Pagkatapos kinuha ko ang cellphone ko upang abangan ang pag-uwi ni Jera. Sobra ang kaba at the same time excited ako.