Rylee IT'S been one week since I contacted Roux. Kahit siya ay hindi rin naman ako tinatawagan. And for the past few days. I felt like something was missing. I don't know... Pero may parte ng utak ko ang nagsasabi na tawagan siya habang ang natirang parte naman ay ayaw. Ang gulo! O, baka nasanay lang ako. Hindi ba isa nga 'yon sa rason kung bakit pinigilan ko ang sarili na kontakin siya? Pinigilan ko ang sarili na gumawa ng mga kalokohan. Hindi dahil sa nagsawa na ako kundi gusto ko lang patunayan sa sarili ko na wala akong ano man nararamdaman para kay oldie. Wala naman talaga, 'di ba? "Still denying?" Nabalik ako sa aking sarili nang magsalita si Bianca. Inilapag niya ang KapeCinno sa harap ko saka siya umupo sa katapat na upuan. We are here at J&D Bakeshop. Kinuha ko ang KapeCin

