Roux MABILIS kong hinila papasok sa loob si Little brat. Hindi ko gusto kung ano man ang lalabas sa bibig ni Brycen. Kilala na nila ako dahil madalas naman ako rito. Bukod sa mahigpit ang security ay kakilala ko rin ang may-ari. Iginiya ko siya sa may L-shape na sofa na naroon at pinaupo saka ako lumapit sa lamesa at kinuha ang isang bouquet of red roses at muling bumalik sa kanya. "For you," saad ko. Kumurap-kurap ang kanyang mga mata at nagpalipat-lipat sa hawak kong bugkos ng rosas at sa 'kin. "For me?" tanong niya at itinuro pa ang sarili. Natatawa na lang ako na umupo sa tabi niya at inilagay sa may kandungan niya ang bulaklak. "Yes. For my girlfriend. Ayaw mo ba?" Mabilis niyang kinuha 'yon saka inilapit sa kanyang ilong at inamoy kasabay ng pagpikit ng kanyang mga mata

