Chapter 24 “IKAW, ELISE DE GUZMAN ay pinapatawan nang limang taon na pagkakakulong sa salang attempted murder…” Hindi ko na masyadong narinig ang sinabi ng judge dahil sa labis na kasiyahan. Doon pa lang ay alam ko na nanalo kami ni Zeus sa pinaglalaban namin hustisya para sa anak namin dalawa. Todo iyak naman sila Mrs. De Guzman sa desisyon ng judge sa parusa ni Elise. Ang alam ko ay pupwede pa mababaan ang taon ng pagkakakulong ni Elise pero wala na akong pakialam ngayon dahil ang mahalaga ngayon ay makakahinga na ako ng maluwag. Wala na ang tinik sa dibdib ko at magiging maayos na ang lahat. Namatay si Deo dahil sa car accident na nangyari noong araw na ‘yon. Si Chris ang nagpatakbo ng truck na ‘yon. Napag-alaman namin na matapos namin palayain si Chris ay muli niyang sinunod ang

