Chapter 16 “CONGRATULATIONS TO YOUR PRESENTATION, MS DELA VEGA. We are hoping to have more projects with you.” “Thank you, Mr. Del Valle.” Nakipagkamay ako sa iba pang member ng board nang matapos ko ang presentation at laking tuwa ko na pumayag sila. Sisimulan ang project sa susunod na buwan. Lumapit ako kay Zeus pagkaalis nilang lahat. “Salamat.” Isang ngiti lang ang isinagot niya sa akin pagkatapos. I invited him for dinner dahil gusto ko pa rin magpasalamat sa kanya. Hindi ako nagbanggit sa kanya tungkol sa pag-uusap namin noong isang araw at alam kong iniiwasan niya rin iyon. I tried to make our conversation light dahil nakapokus ako sa pagpapasalamat sa kanya. Tinext ko si kuya na successful ang presentation. Excited na rin ako makauwi dahil makikita ko na ulit sila kuya at

