Chapter 25 Nanood lang kami ng awarding kinabukasan. Hindi din kami makapag usap nila Kyther dahil sila halos ang nag organize ng awarding. Kinagabihan ay nagtipon tipon ang lahat para sa panonood sa mga inihandang performance ng AIS dance troupe at performing art group. May mga musical play at kasali din pala doon si Ms. Ava at iyong Ez na kasama namin sa picture kagabi. Nakakatuwa silang panoodin lahat, ang saya pala talaga ng ganito. Kinabukasan ay halos parehas lang din naman ang nangyari ang pinagkaiba lang ay madaming estudyante ang nagpupunta sa stage para ilagay doon ang kanilang letter para sa public announcement mamayang 3 ng hapon mayroon din kaming nakita na malalaking teddy bears at kung ano ano pa. Nahihiya siguro sila na ibigay yon sa taong nagugustuhan nila. Nagulat ako

