Nanlalamig ang mga palad ni Isla habang palapit sila nang palapit sa entrada ng mansiyon ng mga magulang ni Alpheus. Hindi niya alam kung dapat ba talaga siyang kabahan o kung maaari niyang ipanatag ang loob. The invitation was so sudden. Napaigtad pa siya nang gagapin ni Alpheus ang kamay niya at pisilin iyon. Napatingala tuloy siya rito. Ngumiti sa kanya ang asawa at pinatakan siya ng halik sa noo. “Are you nervous?” Hindi na siya nagkaila at maigting na tumango. Maliwanag naman kasi sa mukha niya ang pag-aalala. Hinila siya ng asawa at mahigpit na niyakap. His forefinger lifted her chin and then he gazed down at her. “Don’t be. I’m here for you no matter what. Hindi kita pababayaan.” Hinalikan siya nito sa labi na nagdulot ng seguridad sa kanya. “Nakatulong ba ang halik ko para maba

