Kinabukasan, pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay lumabas na ako ng kuwarto at bumaba ng hagdan. Dumiretso ako sa kusina at nadatnan ko roon si Manang Alma na nagpupunas ng lamesa. Huminto lang siya sa ginagawa nang makita ako. "Magandang umaga po, manang." Pagbati ko. "Magandang umaga rin, hija. Halika at kumain dito." Sabi ni Manang Alma at agad na kumuha ng plato at inilapag iyon sa mesa. Ngumiti ako at lumapit sa mesa. Bakit parang hindi ko nakikita si Grayson? Umalis ba siya? Tumingin pa ako sa paligid at sumilip sa medyo nakabukas na pinto dito sa kusina. "Hinahanap mo ba si Sir Grayson?" Biglang tanong ni manang. "Nasaan po siya?" Tanong ko? "Maagang umalis kanina at may pupuntahan daw. Ibinilin ka niya sa akin na kapag gumising ka raw ay pakainin kita." Sabi ni manang

