Warning: SLIGHT SPG! BUONG ARAW akong sunod nang sunod sa kanya. Pagkatapos naming pumunta sa Pritzker Bar ay pumunta naman kami sa isang hotel na pagmamay-ari niya rin. Ano pa ba ang business ng lalaking 'to? Parang ang dami naman. Alas singko na nang makauwi kami. Nakakapagod pala kapag naging mayaman. Kung saan siya pumunta ay nakasunod din ako. Kaya pag-uwi ay pagod ako. Nang makapasok na kami sa loob ng bahay ay napa-buntong hininga ako. Magluluto pa pala ako ng hapunan namin. "Are you tired?" Tanong niya. "Okay lang. Magbibihis lang ako tapos magluluto na ng hapunan natin--" "Huwag na. Magpa-deliver na lang tayo." Putol niya sa sinasabi ko. "Pero--" "Pagod ka na. Magbihis ka na ro'n at ako na bahala magpa-deliver." Sabi niya at hinatid pa ako sa pinto ng kwarto kung saan

