Mabuti na lang at inutusan akong mag saing dahil nakapag pahinga ako kahit papaano. Pagkatapos kong mag saing ay agad kong sinunod ang pagluto ng ulam ko. Dahil meron naman daw ulam sina Ma'am Grace at Xiannara kaya ulam ko na lang ang lulutuin ko. Mayroong isda sa ref kaya agad kong nilinisan iyon at pinirito. Nang matapos ay hinanda ko na ang gagamiting plato at iba pang utensils nina Ma'am Grace at Xiannara. "Talagang matigas ang ulo mo at ayaw mong umalis rito." Napatingin ako kay Xiannara nang magsalita siya. "Nagtatrabaho po ako rito. At wala naman po akong kasalanan kaya bakit po ako aalis?" Matapang kong sagot sa kanya. Halatang nagalit siya sa sinabi ko. "Talagang matapang ka, Ronalyn. Tingnan natin kung hanggang saan 'yang tapang mo." Sabi niya at inilang hakbang niya lan

