Kanina pa ako kinukulit ni Carol na pumunta na sa birthday party ni Heart na siyang nag-iisang anak nina Kuya Luigi at Ate Ayana. Matalik din kasi silang magkaibigan kung kaya't imbitado kami sa birthday ng bata. At tulad ng mga magulang ni Heart ay mabait din si Heart at mapabigay sa aking anak, napakarami na niyang nabigay na mga laruan at napaglumaang damit kay Carol minsan pa nga ay binilibihan din ni Ate Ayana si Carol ng bagong damit. Napakaswerte talaga namin sa pamilya nila dahil hindi iba ang turing nila sa amin.
"Pa, bilis na po alis na po tayo," pangungulit na naman niya.
"Anak maya-maya na at baka hindi pa naman nagsisimula ang party ni Ate Heart mo," tugon ko sa anak. Dalawang taon kasi ang tanda ni Heart kesa kay Carol kung kaya't Ate Heart ang tawag niya roon.
"Baka nagsisimula na, Pa baka maubusan na ako ng candy," nakabusangot na nitong tugon sa akin na ikinangiti ko naman.
"Carol, 'di ba sabi ko sa'yo huwag kang mahilig masyado sa candy at baka masira iyang ngipin mo?" paalala ko pa sa kanya ang hilig kasi niyang kumain ng mga matatamis.
"Nag t-toothbrush naman po ako, e," katwiran pa niya.
"Sige na, Pa tara na po," naiinip na nitong wika.
"Oo nga naman, Kuya bakit hindi pa tayo umalis siguro naman ay papasimula na rin birthday party ni Heart," sabat naman ng kapatid kong si Anna nakakasulpot lang sa gawi naming mag-ama.
"Kanina ko pa siya niyaya, Tita pero ayaw pa ni Papa," sumbong naman ni Carol kay Anna.
"Kuya, bakit ba kasi ayaw mo pang pumunta tayo roon, e, wala ka namang utang kina Ma'am Ayana at Sir Luigi."
Wala nga akong utang sa mag-asawa pero may atraso kasi ako sa magiging amo ko.
Sigurado naman kasi akong nasa birthday din siya ni Heart dahil kaibigan siya nina Kuya Luigi. Patay ako nito 'pag nagkataon.
Gustuhin ko mang sina Anna at Carol na lang ang dadalo sa party ay hindi naman maaari dahil nakakahiya naman kina Kuya at isa pa ay ngayong araw rin ako sasama sa amo ko.
"Sige-sige bihis na ako." Tinungo ko na agad ang kwarto namin ni Carol at nagpalit dinala ko na rin ang lumang backpack na pinaglagyan ko ng aking mga damit.
Nakapagpaalam na ako kagabi kay Anna tungkol sa trabaho ko at mahigpit kong ipinagbilin sa kanya si Carol. Mapagkakatiwalaan naman si Anna pagdating kay Carol dahil pamangkin niya naman ito at alam kong hinding-hindi niya ito pababayaan ngunit nalulungkot pa rin ako lalo na't ngayon lang kami maghihiwalay ni Carol. At ngayon pa lang ay sobrang mamimiss ko na ang aking anak ngunit para rin naman sa kanya ang gagawin ko. Nagpaalam na rin ako sa kanya at pumayag naman siya ngunit wala itong alam na matatagalan pa bago ako makauwi ulit sa amin.
"Papa, bilis po!" sigaw ni Carol na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.
Lumabas na rin ako agad sa aming kwarto at saka ko ni lock ang pintuan namin saka tuluyang umalis.
"Papa, work ka na po tapos ng party ni Ate Heart?" tanong ni Carol habang naglalakad na kami patungo sa bahay nina Kuya Luigi.
"Oo, Carol kaya maiiwan muna kita sa Tita Anna mo ha?" Huminto ako saglit upang buhatin siya.
Matatagalan na kasi ulit bago ko siya mabubuhat kaya lulubusin ko na ngayon.
"Papa, tawag ka everyday sa amin ni Tita Anna ha?" malungkot na turan ni niya sa akin.
Bigla tuloy sumakit ang damdamin ko dahil sa nakikitang kong emosyon sa kanya. Kakagaling pa naman niya sa sakit pero iiwan ko na agad siya.
"Opo tatawag ako palagi sa inyo basta ikaw huwag kang pasaway kay Tita Anna ha? Kapag nalaman kong may ginawa kang bad hindi na ako tatawag," bilin ko naman sa kanya.
"Good girl po ako 'lagi, Papa promise po," pangungumbinsi pa niya sa akin na ikinangiti ko naman agad.
"Basta tandaan mo palagi, anak ha na love na love ka ni Papa," pun ng pagmamahal kong pahiwatig sa anak.
"I love you too, Papa ko." Hinalikan pa niya ako sa aking pisngi.
Mas lalo lamang ako nitong nmahihirapang umalis subalit wala naman akong choice kundi ang malayo sa kanya upang matustusan ang pangangailangan niya.
Ilang minuto pa ay narating na naming ang mansion nina Kuya Luigi nakasalubong agad namin si Ate Ayana kasama ang isang kaibigan nitong nakipag inuman sa kanila kagabi.
"Magandang hapon po, Ate Aya!" makapanabay kong bati sa kanya.
"O, Randal mabuti naman at nandito na kayo," nakangiting tugon naman nito sa amin.
"Hello po, Tita Aya!" bati naman sa kanya ni Carol.
"Good afternoon po, Ma'am Ayana!" bati naman ni Anna sa kanya.
Isang ngiti ang tinugon nito sa amin at kaagad na kami nitong pinapunta sa may tabing dagat kung saan naroroon ang mga bisita.
Binaba ko na rin si Carol upang makapaglaro na ito kay Heart kasama ang ibang mga bata samantalang kami ni Anna ay naiwan sa pwesto naming mesa.
"Kuya, okay ka lang ba?" biglang tanong sa akin ng kapatid ko.
"Oo naman," tugon ko naman agad sa kanya.
"Sure ka? Kanina ka pa kasi palinga-linga sa paligid at parang hindi ka pa mapakali, baka naiihi ka?" nababahalang tanong pa ulit nito sa akin.
Hindi kasi ako umupo at panay ang palinga-linga ko sa paligid at ang bilis-bilis pa ng t***k ng puso ko dahil sa labis na kaba dahil sa nangyari kagabi.
"Hindi naghahanap kasi ako ng tubig," pagsisinungaling ko.
"Kuya, tubig." May inabot itong bottled water sa akin.
"Salamat," pasalamat ko sabay bukas ng bote. Hindi ko man lang nakita na may mga tubig na pa lang nakalagay sa bawat mesa na narito.
"Kuya, okay ka lang ba talaga?" muling tanong sa akin ni Anna.
"Pasensiya ka na, Anna ha? Puyat lang siguro ako hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi kakabantay kay Carol."
Hindi naman kasi talaga ako nakatulog ng maayos kagabi hindi lang dahil sa kakabantay ko sa aking anak kundi dahil hindi rin mawala-wala sa isip ko ang nangyari kagabi.
Makalipas ang halos limang oras ay natapos na rin ang birthday party ni Heart at laking pagsasalamat ko naman dahil hindi ko nakita ang babaeng magiging amo ko.
"Papa, tignan mo ang dami kong nakuhang candies at laruan," masayang sabi ni Carol sabay pakita ng mga nakuha niyang mga laruan at kendi na nakuha niya mula sa party.
"Magaling, anak pero hinay-hinay lang sa kendi ha?" paalala ko pa sa kanya.
"Opo, Papa bigyan na lang po kita pati si Tita Anna para share-share tayo," nakangiting tugon naman niya sa akin.
Maya-maya pa ay humikab na si Carol hudyat na inaantok na ito kaya binuhat ko na siya at pinadapa sa balikat ko.
"Randal, uuwi ka pa ba sa inyo?" tanong sa akin ni Kuya Luigi dumulog kasi ito sa mesang inakupahan namin.
"Hindi na po, Kuya sina Anna at Carol na lang po ang uuwi," tugon ko at unti-unti na namang bumibilis ang t***k ng puso ko.
Baka kasi kapag nakita ako ng magiging amo ko ay hindi niya na ako tatanggapin bilang personal driver niya o baka totohanin niya nga ang sinabi niya sa akin kagabi. Huwag naman sana.
"Sigurado ka? E, tulog na tulog na iyang si Carol sa balikat mo, e," paniniyak pa ni Kuya Luigi.
"Ayos lang po, Sir Luigi kaya ko naman pong buhatin si Carol e, hindi naman po siya ganun kabigat," sabat naman ni Anna kay Kuya.
"Ang mabuti pa ipapahatid ko na lang kayo sa bahay ninyo para hindi na kayo mahirapan at may mga ipapadala rin kaming pagkain sa'yo, Anna initin mo na lang bukas kapag kakain na kayo ni Carol." Ang babait talaga nilang mag-asawa.
"At ikaw, Randal maghanda ka na rin dahil maya-maya lang bababa na rin si Lj." Patay!
Iniwan na kami ni Kuya Luigi sa kinaroroonan namin dahil kukunin pa raw nito ang pagkaing ipapadala niya kina Anna at Carol.
"Anna, huwag na huwag mong pababayaan ang pamangkin mo ha? Lahat ng mga ibinilin ko sa'yo tandaan mo at kung sakaling may problema tawagan mo ako agad," mahigpit na bilin ko sa kapatid.
"Huwag kayong mag-alala, Kuya tinandaan ko po ang bawat bilin ninyo sa akin. Mag-iingat din po kayo sa pagtatrabahuan ninyo," bilin din nito sa akin.
Maya-maya pa ay lumabas na si Kuya Luigi at may dala-dala itong dalawang malalaking supot.
"Nagpaalam na ba kayo sa isa't-isa?" tanong agad nito sa amin.
"Opo, Kuya," tugon ko.
"O sige na, Anna umuwi na kayo ng makapaghinga na kayo ng mabuti sa bahay ninyo." Binigay na rin ni Kuya Luigi ang dalawang supot kay Anna.
"Randal ihatid mo na sila sa kotse," utos naman nito sa akin.
Sinunod ko naman agad ang sinabi ni Kuya Luigi mabini kong hinalikan ang aking anak sa kanyang noo at pisngi ngayon pa lang at nasasaktan na ako ngunit kinakailangan ko rin talagang gawin ito para sa kanya.
Nang makaalis na sila ay halos ayaw ko ng ihakbang ang mga paa ko pabalik sa kinaroroonan ko kanina lalo na't may nakikita na akong isang bulto ng babaeng matangkad. Malamang sa malamang siya ang magiging amo ko.
"Kaya mo iyan, Randal," bulong ko pa sa aking isipan.
Bumuga muna ako ng hangin mula sa aking bibig at saka humakbang patungo sa kinaroroonan nila.