Chapter 9

2779 Words
Richard's POV "So, that's a deal Mr. Dela Cruz?!" Paninigurado kong tanong sa kausap. "Yes, yes! Of course Richard!" Tugon niya sa akin na nakatawa. Katatapos lang ng meeting namin ni Mr. Vincent Dela Cruz. Siya ang nagmamay ari ng isa sa pinakamalaking beach resort dito sa Batangas. Sa edad na animnapu’t dalawa ay malakas pa rin ito at mahilig magbiro. "Thank you, Mr. Dela Cruz for renewing your contract with RoChard Furnitures!" Nagpasalamat ako. Siya ang itinuturing namin na isa sa pinaka malaking kliyente ng kompanya. We were doing business with him for more than 10 years already. Kaya, may tiwala na siya sa amin. And also, matalik na kaibigan siya ni Dad. "Hay naku, Richard! Paano ba naman ako makakatanggi sa'yo. Aba! Lalong tumatagal ay mas lalong gumagaling ang marketing skills mo ha!" Puri niya sa akin. Natawa nalang ako sa sinabi niya. "Hindi naman po. I just learned it from Dad, siguro." I said trying to be humble. "I'm telling you. To be honest, mas magaling ka pa sa Daddy mo. Oo! Maniwala ka sa 'kin." Aniya. "Thank you po, Tito!" I said. "Pero, Richard. I know magaling ka naman sa marketing and all...pero...kumusta naman 'yung pagpapalaganap ng lahi mo? Ano na?" He smirked and smiled sheepishly. "P-po? A-no p-po-?" Hindi ako sure kung ano ang ibig niyang sabihin. "Sus! Ikaw talaga! Kunyari ka pa eh! Ang gusto kong malaman, eh kelan ka ba mag-aasawa? I'm not pressuring you. But you're not getting any younger. You need someone na makakasama mo habang buhay." Paliwanag niya sa akin. Lumabas na kami ng office niya at nakaharap sa dalampasigan. Napakaganda ng pagkakaayos ng resort ni Tito. Kaya hindi nakakapagtaka na maraming tao ang dumadayo dito. 'Yung iba nga ay nanggaling pa sa malalayong lugar. Nililimitahan kasi nila ang guests na pinapapasok para hindi masyadong crowded at mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng resort. At para na rin huwag masyadong ma stress ang mga staff sa dami ng trabaho. He aims for a quality service, not the quantity of guests. 'Yun ang prinsipyo ni Tito at ng resort niya. "RJ, tingnan mo sila." Ang tinutukoy niya ay ang mga guests na nasa dalampasigan. Napatingin ako sa dereksiyon na tinutukoy niya. Nakita namin ang mga guests na masayang naghahabulan, lumalangoy, nagtatawanan at nagsi-selfie. Parang walang problema. Magkakasama ang bawat pamilya, magkakaibigan, and including lovers. Nakaramdam ako ng lungkot sa puso ko. I couldn't remember when was the last time na nag bonding kami ng family ko. Dad is busy traveling. My sisters Riza and Angel are busy with their studies. Both I and Kuya RD are handling the company. Pero, at least si Kuya may panahon para asikasuhin ang lovelife niya. While ako naman...unfortunately, still stucked with my past. Or it's just my choice. "You know why I chose this spot para sa office ko?" Tanong niya. "Why Tito? Curious din po ako. You could've chose a place na medyo tahimik. Like the private villa 'don sa bandang likuran. Away from here na maraming tao." Paliwanag ko. "That is the reason, Richard. Maraming tao. 'Yun ang dahilan kung bakit ko pinili ang lugar na 'to." Nakangiti niyang sabi habang pinagmamasdan ang mga guests sa beach. "P-po?" Hindi ko pa rin maintindihan ang nais niyang ipahiwatig. "These people makes me feel alive everyday. Kapag lumalabas ako mula dito sa pintuan ng office ko at naririnig ang masasayang tawanan at sigawan ng mga guests, sobrang natutuwa ako." Tumango ako bilang tugon. "You're right, Tito." "Kaya ikaw, RJ! Wag puro trabaho ang dapat nasa isip mo. You've been working so hard. Palagi nalang ang kompanya ang inaasikaso mo eh. Hindi naman pagiging makasarili na minsan piliin mo din ang sarili mo. This is just a piece of advice from me as your Dad's friend, not your business partner. I hope you don't mind..." Mahabang paliwanag niya sa akin. "It's okay, Tito. Thank you for your advice. I will think about it po." Tugon ko bago tuluyang nagpaalam. Hindi muna ako tuluyang umalis ng beach resort ni Tito. Naglakad lakad muna ako sa dalampasigan. It's been awhile. Pumupunta lang naman ako dito kapag magre-renew ng kontrata si Tito sa kompanya. To be honest, I have the privilege of staying here for free. Pero for the past 8 years since I became the CEO of our company, hindi ko pa na-enjoy ang privilege na 'yun. Naupo muna ako sa isang umbrella type cottage para makasagap ng sariwang hangin. I closed my eyes and started to hear the sound of the crashing waves. The wind caressing my skin. The beach! Naalala ko nalang bigla si Maine. She loves the beach so much. I remembered my encounter with her. Naramdaman ko ang galit niya sa akin. But, why? Ano bang kasalanan ko sa kanya? Siya kaya ang nang iwan. After that passionate night, bigla nalang siyang nawala na parang bula. And also...about her daughter Chelsea. Why am I having goosebumps kapag nakikita ko siya? Parang may lukso ng dugo. I know, it's crazy for me to think that way. Hindi ko ba talaga siya anak? May cases naman din na pwedeng mabuntis ang isang babae kahit after the first s****l intercourse. I was so lost in my thoughts when suddenly someone called my name. "K-kuya T-tisoy?" "Kuya Tisoy?" That cute and tiny voice is so familiar. Am I dreaming? But there's only one person in the whole world who would dare calling me with that name. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. And there she is! It's Chelsea! Maine's daughter. Nakatayo siya sa harapan ko. Nakasuot ng kulay pink na rash guard sleeve and shorts. Conservative pa din talaga si Maine kahit sa pagpili ng susuotin ng anak niya. "C-chelsea?!" Sabi ko at nilapitan siya. "Hello po!" Masayang bati nito sa akin sabay kaway ng mga kamay niya. Tumayo ako at lumapit sa kanya. I adjusted myself to her level para makausap ko siya ng maayos. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit nakakaramdam ako ng labis na pagkasabik kapag nakikita ko siya. Maybe because...may connection siya kay Maine. I guess so. "Hi Chelsea! Kumusta? Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya. Inayos ko ang mahaba niyang buhok na kasalukuyang ginugulo ng hangin. "Ako po? Birthday ko po today, Kuya Tisoy. Birthday gift po sa akin nila Mama na mag beach po kami." Paliwanag niya. Bakit ang cute ng batang 'to?! Ang sarap pisilin ng pisngi. Kagigil! Pero siyempre mas gusto ko pisilin at panggigilan ang Mama niya. *smirks inwardly* "Talaga? Wow! Happy birthday, Chelsea! Naku, pano ba yan! Wala akong gift sa'yo ngayon eh." Umarte akong disappointed. Pero to be honest, I am. If only, na alam ko na andito siya at birthday niya. I wouldn't mind spending money for her. Hindi ko rin alam kung bakit ang gaan gaan ng loob ko sa bata kahit hindi ko naman siya anak. "Okay lang po, Kuya Tisoy." Sabi niya sabay ngiti. Gosh! She is so adorable like her mom. In the past though. Pero ngayon, I don't know. Parang dragon. Ewan! "Chelsea! Baby!" Mula sa likuran namin ay may tumawag sa kanya na isang babae. Sa boses pa lang, alam ko na kung sino 'yun. Andito na ang dragon! "H-hi, Maine!" Bati ko sa kanya. Parang nagulat siya nang makita na ako ang kausap ng anak niya. "M-mr. Faulkerson?" I could sense na hindi pa rin siya comfortable around me. After what she said to me last time. Mr. Faulkerson, again? "Hello..." "Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya. "Uhm. I have a business deal with the resort owner lang." I answered. "Ah, okay..." She looks so beautiful kahit may anak na. Ang swerte naman ng naging asawa nito. She is wearing a white crap top and denim shorts and a black silhouette cardigan. Simple lang pero ang ganda niya. I couldn't believe that I had a one night stand with this woman, 7 years ago. Silence... "Mama!" Si Chelsea ang bumasag sa katahimikan namin. "Bakit, baby?" Tanong niya dito sabay haplos sa pisngi ng bata. "Pwede po ba natin isama si Kuya Tisoy sa birthday party ko po, Mama?" Nagkatinginan kami ni Maine. Parehas kaming nagulat sa sinabi ni Chelsea. Pero na excite ako. Gusto ko pa kasing makasama ang batang 'to. At siyempre ang Mama niya. Okay lang kahit mag sungit siya. "Naku, baby. Wag na siguro. Busy kasi si Kuya Tisoy mo. Marami siyang ginagawa at---" "I'm free today. Wala akong gagawin, Chelsea. Talaga? Invited ako sa birthday party mo?" Pinandilatan ako ng tingin ni Maine pero I am not allowing her to reject Chelsea's request. Magtaray na siya kung gusto niya. "Pero baby-" "Sige na po Mama. Please po." Pakiusap ng bata. Naglambing na ito sa kanya at nagpa cute na nga sa ina. Hinalik halikan na niya si Maine. Feeling ko ang special ko naman na talagang nakiusap ang bata para makadalo ako sa birthday niya. Napatingin ako kay Maine. Nagtaas lang ito ng kilay. Sige, magtaray ka pa. Hindi na nga ito nakatiis at pumayag nalang. "Okay, baby. Payag na ako. But promise me ha. Wag kang lalayo, okay? Sa tabi ka lang ni Mama." Pagdidiin nito. Anong akala niya saken? Kikidnapin ko ang anak niya? Jusko, marami akong naka reserba dito uy. Million million pa! "Okay po. Thank you po, Mama. I love you po. Mwah, mwah, mwah..." Sambit nito at pinugpog ng halik ang ina. "Okay. Calm down, baby. Baka ma erase na ang beautiful face ni Mama dahil sa kaka-kiss mo eh." Reklamo niya kunyari. "Ayaw mo na po ng kisses ko?" Tanong nito na bahagyang sumimangot. "Siyempre super gusto ko baby. Ikaw pa ba? Eh super duper love ka ni Mama." Sabi nito sabay yakap sa bata. Ang sarap lang nilang panoorin. "Ang mag-ina ko." Kung pwede lang. Ang sarap sabihin at gustong gusto kong gawin. Pero hindi pwede. Masakit na malaman na hindi ko anak si Chelsea. Umasa ako kahit konti. Wala akong karapatan na masaktan. Kaagad na bumaba si Chelsea mula sa pagkarga ng ina at hinila na ako papunta sa venue ng birthday party niya. "Tara na po, Kuya Tisoy. Halika ka na po." Aya nito sa akin. Wala nang nagawa si Maine. Eh pano? Ang nagbi-birthday ang kakampi ko. Nang makarating kami sa venue ay kaagad niya akong ipinakilala sa Lolo at Lola niya. Kinalabit niya ang mga ito. "Lolo, Lola! May bisita po ako oh!" Napalingon naman sila sa direksiyon namin. In fairness kahit may mga apo na ang mga magulang ni Maine ay hindi halata sa hitsura nila. Ang bata pa nila tingnan. Masaya silang nakikipag kuwentuhan sa ibang mga bisita. "Good afternoon po Maam, Sir." Bati ko sa kanila at nakipagkamay. Kaagad naman nilang inabot ang kamay ko. "Magandang hapon din sa'yo. Chelsea, kilala mo siya?" Tanong ng Tatay ni Maine sa apo niya. Mula sa likuran namin ay nagsalita si Maine. "Tay, siya po 'yung nakakita kay Chelsea 'nong nawala siya sa EK." Ipinahayag niya. Lumiwanag ang mukha nila sa nalaman. "Ah, kaya pala panay ang turo ni Chelsea sa TV screen nang gabing 'yun! Ikaw pala si Sir Tisoy?!" Sabi naman ng Nanay niya. "Lola. Kuya Tisoy po. Kasi friends na po kami dalawa." Paliwanag naman ni Chelsea na tila kino-correct ang mga ito. Napahagalpak nalang sila ng tawa. "Oo na. Sorry, baby. Kuya Tisoy pala." Nakiusap si Chelsea na sasali daw muna siya sa mga games kasama ng mga bata. Pinagbigyan naman ito ng ina. Inilibot ko ang mata sa paligid ng venue. Simple lang naman ang decorations pero ang saya nila lalo na ang mga bata. "Parang pamilyar ka saken." Sabi ng Tatay ni Maine. "P-po?" Gosh! Baka may nagawa akong mali! Ano kaya yun? "Lagi kitang napapanood sa TV eh. Madalas din kita makita sa mga newspapers lalo na sa Business Column. Sino ka nga-" "Tay, he is the CEO of RoChard Furnitures." Si Maine na ang sumagot. Wow! Alam pa pala niya kung sino ako? I thought I am already a stranger to her. Napasali na din sa usapan ang Nanay niya. "RoChard Furnitures? Parang pamilyar. Ay oo nga! Di ba Maine, diyan ka nag internship noon?" "Yes, Nay." Kitang kita ko ang biglang pagkabalisa sa mukha at kilos niya. "Oh, I remember. Lagi kayong may monthly outreach and donation drive or the elderly sa Bulacan at Laguna. Di ba?" "Ah, yes po Sir." Parang natigilan si Maine dahil sa narinig niya. Ang kaninang mataray na mukha ay kumalma na. Hindi na siya dragon ulit! "Salamat nga pala sa pag-aalaga mo sa apo namin nong nawala siya sa EK. Mabuti nalang at andito ka. Akala ko, hindi na kami makakapag pasalamat sa'yo." Hinawakan ng Nanay ni Maine ang kamay ko at hinaplos 'yun. I can feel the warmth. Na-miss ko tuloy bigla si Mommy. "Wala po 'yun, Maam." Sagot ko. "Alam mo...mabuti pa, Maine. Asikasuhin mo muna si...ano nga ba pangalan mo, iho?" Tanong naman ng Papa niya. "Richard Faulkerson Jr. po. But you can call me, Richard or RJ nalang po." Sabi ko. "At saka wag mo na kaming tawaging Maam at Sir. Nakakatanda eh! Tita and Tito nalang." Pakiusap naman ng Mama niya. "Naku! Nakakahiya naman po sa inyo. Okay lang po ba 'yun? I would love to." "Oo naman! Sabi nga ni Chelsea, eh friends kayo. Kaya kung friend ka ng apo namin, siyempre friends na din tayo. Para happy lang!" Sabi naman ng Tatay niya. "At saka nakakahiya na CEO ka tapos Maam and Sir ang tawag mo sa amin." "Naku, wag niyo po iisipin 'yun, T-tito and T-tita. CEO nga po ako ng kompanya. But still, it belongs to my Dad." Pinaupo nila ako at binigyan ng pagkain. In front of me is a typical menu in a children's birthday party. Spaghetti, chicken, hotdogs and some barbecue. Katabi ko si Maine. Halata sa mukha niya na hindi siya comfortable. Ako ang unang nagsalita. "Looks like...your parents already like me, huh!" Pagmamayabang ko habang kinakain ang spaghetti. In fairness, masarap siya. "Excuse me, Mr. Faulkerson?!" At nagtaray na naman po ang magandang dragon. "Bakit ba ang taray mo saken, ha? And please stop calling me, Mr. Faulkerson." "Ayoko..." "Maine..." "Pwede ba wag kang mamilit." "Maine, I know hindi naging maganda ang nakaraan natin. But, at least we can save our friendship. Di ba? Can we?" Sinubukan ko siyang pakiusapan. "Mr. Faulkerson, it's all in the past. And besides, I can never be friends again with my ex...I mean "ka-ex mutual understanding." Walang tayo. Hindi naging tayo. At hindi na magiging tayo." Aniya. Pakiramdam ko ay para akong sinaksak ng kutsilyo dahil sa mga sinabi niyang 'yun. Wala na ba talagang pag-asa na ituloy ang naudlot naming nararamdaman sa isa't isa noon? I want to. I would love to. Gosh, bakit ang tigas ng puso niya? I sighed. "Where did we go wrong, Maine? Okay naman tayo dati, di ba? We were so happy, not until after that night-" "Wag na nating pag-usapan 'yun. Hindi na 'yun mahalaga." Hindi na mahalaga? Ouch, Maine. For me, it's always been. For the past 7 years. Maya maya pa ay may pumasok na isang lalaki. Medyo may katangkaran ito at mga nasa 5'8 ang height niya. Maputi at balingkinitan ang katawan. Medyo, good looking pero mas guwapo ako. May bitbit itong isang malaking yellow na teddy bear. Nakita kong tumakbo si Chelsea papunta rito at kaagad naman siyang kinarga ng lalake. Who is this jerk? Napansin ni Maine ang pagdating ng lalake at nagpaalam na. "Excuse me, Mr. Faulkerson. I have a guest." Tumayo na siya at umalis. Parang medyo may konting landi ang tono ng pananalita niya. Tinignan ko sila. Karga pa rin ng lalaki si Chelsea at nasa tabi naman niya si Maine. Napakalapad ng mga ngiti nila sa isa't isa. Naririnig mula sa kinauupuan ko ang tawanan nila. I could feel something's breaking my heart. It hurts. Nagsi-selos ba ako? Seeing them like one big happy family left an excruciating pain within me. I don't understand. Just, why? Sana ako nalang talaga. Bigla namang tumawag ang sekretarya ko mula sa opisina. Dad wants to talk to me in person. Kararating niya lang from Dubai. Nagpaalam nalang ako sa Tatay at Nanay ni Maine. Tinignan ko sila...one last time. They are now singing a birthday song for Chelsea. That jerk is standing beside them. What a lucky guy! Tuluyan na akong umalis at kaagad na sumakay sa kotse. "Who's that guy? Siya ba ang tinutukoy ni Maine...na naging ibang lalake sa buhay niya? Siya kaya ang Daddy ni Chelsea? She looks so happy being with him. Siya na ba ang pinili ni Maine? Huh! He should be...better than me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD