Richard's POV
Nasa Bangkok si Richard Faulkerson Jr. It was a long day for him and Mr. Thunatorn Samanyagoon. Siya ang may ari ng Koncept Furniture, ang isa sa pinakasikat na furniture business sa bansang Thailand. Nasa kotse sila at pabalik na ng Grand Hyatt Erawan Hotel kung saan siya naka check in. Malapit nang gumabi ng mga oras 'yun. Sa totoo lang ay nakakaramdam na siya ng pagod.
Kaninang umaga ay ipinasyal siya ni Mr. Samanyagoon sa showroom nila sa Phasi Charoen District. Nakita niya ang ganda ng kanilang mga disenyo. Madalas ay moderno ang mga ito kaya naman gusto nito na makipag partner sa RoChard Furnitures. Dahil marami sa kanilang mga produkto ay may mga Philippine native designs.
Kinahapunan naman ay ipinakilala siya ni Mr. Samanyagoon sa mga kapwa negosyante. Bago siya nagpunta ng Thailand ay nag aral siya ng basic thai language. Umaasa si Richard na sa pamamagitan nito ay magkaroon sila ng magandang impresyon sa kanya at hindi naman siya nabigo.
Panay ang puri sa kanya ng mga Thai businessmen. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na sila ng hotel na nasa Rajdamri road. Isa itong four star hotel. May pag uusapan pa kasi sila ni Mr. Samanyagoon. Nakarating sila sa loob Erawan Tea Room. Kasama ni Mr. Samanyagoon ang secretary niya.
"Richard, have you enjoyed while touring the city so far?", tanong sa kanya ni Mr. Samanyagoon
"Yes, Sir. I did. You have a very wonderful furniture designs.", sagot niya dito habang hinahanda ang laptop niya.
"Thank you very much."
Binuksan ni Richard ang laptop niya. Hinahanap niya ang file na naka save na naglalaman ng presentation niya para kay Mr. Samanyagoon. Ngunit kahit anong gawin ni Richard ay hindi niya ito mahanap. Nagsimula na siyang kabahan. Ayaw niyang sumabit dahil malaki ang mawawala sa kanya at sa kompanya kapag pumalpak siya.
Ilang ulit niyang hinanap ang file pero wala talaga. Naalala niya na pina save niya 'yun sa secretary niyang si Mae bago siya umalis ng Pilipinas. Nagsisimula na siyang pagpawisan. Nagtataka na si Mr. Samanyagoon kaya nagtanong na ito sa kanya.
"Richard, are you okay?"
"Ahmm...Sir. I'm really sorry."
"What happened?"
"I've been trying to find my presentation for you on my laptop but I couldn't see it."
"Oh, really? It's okay, Richard. Don't worry. Then, you can do it tomorrow."
"I'm really really sorry, Mr. Samanyagoon. I'll call my secretary in Manila. I think she has a backup file. I'm really sorry."
"It's okay, Richard. We had a long day. I think you should rest. We can meet again tomorrow. Okay?"
"Alright, Sir. Thank you very much for your consideration."
"Calm down, Richard. Let's finish our tea so that you can go back to your room immediately. Tomorrow will be a great day for us."
Makalipas ang isang oras ay nagpaalam na din si Mr. Samanyagoon sa kanya. Nagpapasalamat si Richard dahil hindi naman ito na disappoint kahit hindi natuloy ang meeting nila. Pabalik na si Richard sa hotel room niya kung saan naka check in siya sa isang executive suite. Pagpasok si Richard ay nilapag niya sa kama ang laptop. Binuksan niya ito at agad na tinawagan ang sekretaryang si Mae.
"Hello, Mae."
"Yes, Sir Richard?"
"Mae, alam mo bang pumalpak ako sa meeting ko kanina kay Mr. Samanyagoon?", sabi niya dito na may halong inis.
"Sir? What happened po ba?"
"Have you remembered na pina save ko sa 'yo dito sa laptop ko 'yung file ng presentation?"
"Yes Sir. Na save ko po 'yun."
"Damn it, Mae. Nawala dito. Hindi ko siya makita. Sigurado ka ba?"
"Yes Sir Richard. Sigurado po ako."
"Pero wala talaga dito Mae. Do something or we will lose Koncept Furniture."
"Sir kalma po kayo. May backup copy naman po ako dito e. Just give me half an hour."
"No. I want it now, Mae."
Habang kinakausap niya si Mae sa phone ay may naririnig siyang boses ng isang bata. Parang pamilyar sa kanya ang boses kaya nagtanong na siya kay Mae.
"Where are you? Mae, may kasama ka ba?"
"Umph, Sir just give me thirty minutes. Nasa labas po kasi ako e. Pabalik pa lang ako sa office."
"Saan ka ba galing? Sino ang kasama mo?"
"Sir pina check up ko po si Athena. Tatlong araw na po kasi siyang may lagnat e. Nag aalala lang po ako na baka kung ano na 'to. Uso kasi ngayon ang dengue."
Nagulat si Richard sa narinig niya. Napalitan ng pag aalala ang inis na kanyang naramdaman. Simula nang maipanganak ni Mae si Athena ay naging malapit siya sa bata. Hindi na niya ito itinuring na ibang tao.
"Ano? Is she okay? Anong sabi ng doktor?", pag aalala niyang tanong dito.
"Okay lang naman po siya Sir. Sabi ng doktor kanina baka po dahil sa labis na pagkababad sa tubig. Naglaro kasi ito sa ulan 'nung nakaraang araw. Kaya sinipon at nilagnat."
"Oh. Thank God! I felt relieved. Please tell her to rest well, okay? At wag na kamo siyang magpapa ulan."
"Yes Sir. Salamat po. Sige Sir, I will just email to you the presentation file. Nasa office na po ako."
"Sige Mae. Pasensiya ka na sa abala. Bye."
"Okay lang po Sir Richard. Bye po."
Napaupo si Richard sa kama niya. Bigla siyang nakaramdam ng pag aalala kay Athena. Maya maya ay muli niyang binuksan ang laptop at sinubukang hanapin ulit ang file. Pero kahit anong gawin niya ay wala talaga ito. Aaminin niya na hindi siya ang tipo ng tao na mahilig sa computers or laptop. Lagi lang siyang naka depende sa phone niya.
At mas gusto ni Richard ang mga written documents. Hindi siya mahilig na butingtingin ang laptop niya. Kumbaga, old school nga daw siya sabi ng mga kaibigan niya. Habang abala siya sa laptop ay bigla niyang naalala ang unang pagkakataon na nagkita sila ni Maine. He could still remember it. The day was July 16, 2010.
*flashback*
Naalala ni Richard na inis na inis siya ng araw na 'yun. Siya pa ang Chief Operating Officer ng RoChard Furnitures. May naka schedule siyang meeting kasama ang board kinabukasan. Pero nagloloko ang laptop niya. Hindi niya tuloy ma check ang presentation niya. Nasa loob siya ng opisina.
Alam ng mga staff niya na galit na siya kaya walang ni isa sa mga ito ang nagsalita. Pinapasok niya ang sekretaryang si Mae. Bagong kasal pa lang ito ng mga panahong 'yun.
"Sir, may nakita na po ako na pwedeng mag ayos ng laptop niyo."
"Sino?"
Makalipas ng ilang segundo ay pumasok sa opisina niya ang isang babae. The woman is in her twenties. She wears glasses. Medyo mahaba ang buhok nito. Napakaganda ng mga mata niya. Medyo balingkinitan ang kanyang katawan. She has the most kissable lips. Richard felt dazzled the first time that he sees her. Pero hindi siya nagpahalata dito. He acted as if he doesn't care at all.
"Who is she?", tanong niya kay Mae.
"Ahmmm.Sir, siya po si Ms. Nicomaine Mendoza. She is one of our interns po."
"One of our interns?"
"Yes Sir. I forgot to tell you po na today po ang first day nila dito sa company as interns."
Naramdaman ni Richard ang kaba ng babaeng pinakilala ni Mae sa kanya, "Saang school ka galing?", he asked her.
"I'm from Colegio de San Gabriel Arcangel in Bulacan, Sir Richard.", she answered while tapping her left leg.
"Are you alright, Ms. Mendoza?"
"I'm alright Sir..."
Tumayo siya mula sa pagkakaupo at nilapitan si Nicomaine. He's just a few inches away from her. Richard could sense that she's nervous. He could smell her scent. Ang bango bango niya. Nararamdaman ni Richard ang pagkahiya ni Nicomaine sa kanya. But, he looked at her straight in the eyes.
"So...you're a Computer Engineer student?"
"Ye...yes Sir."
"Make sure you'll be able to fix my laptop. I have a board meeting tomorrow. Understood?"
"Yes Sir."
"I'll come back here this afternoon. Siguraduhin mong okay na 'yan. Nagkakaintindihan ba tayo Ms. Mendoza?"
"Yes Sir Richard."
Nicomaine's POV
Pakiramdam ni Maine ay mababaliw siya dahil sa ugali ng COO ng RoChard Furnitures na si Mr. Richard Faulkerson Jr. Ngayon ang unang araw nila ng mga ka grupo niya sa school bilang mga college interns. Marami na siyang naririnig tungkol sa kompanyang ito. Nang malaman ng mga ka groupmates niya na dito gaganapin ang internship nila ay naging excited ang mga ito.
Isa kasi ito sa pinasikat ang kompanya sa larangan ng furniture industry sa Pilipinas. Kaya malaking bagay kapag dito ka nakapag intern. Marami ang gustong pumasok pero isa sila sa binigyan ng priviledge. Isa pa ay pinag papantasyahan din ng mga ka grupo niyang babae si Richard Faulkerson Jr. Bukod sa matalino ito ay sadyang napaka guwapo. Marami ang mga babae na nangangarap na mapalapit sa kanya.
Nasa loob ng cafeteria si Maine kasama ng mga kapwa niya interns. Nasa isang lamesa lang sila ng mga classmates niyang sina Natalie, Loise at Jan. Kasalukuyan siyang binibiro ng mga ito dahil sa naging unang pagkikita nila ni Sir Richard kanina.
"Maine, anyare kanina? Mukhang nakaharap mo 'yung dragon ah.", biro sa kanya ni Jan.
"Uy, hindi naman siya dragon. Hello? Ganun lang daw si Sir Richard kapag galit.", sabi naman ni Loise.
"At saka kahit galit siya guwapo pa rin e. 'Di ba?", sabi naman ng kaibigang si Natalie.
"Anong guwapo? Sus, guwapo nga pero ang sama naman ng ugali.", paratang ni Maine.
"Ano ba kasing nangyari. Huh? Kuwento mo nga.", tanong sa kanya ni Jan.
"Alam niyo guwapo lang siya pero may pagka aligaga. Okay?"
"Aligaga? Bakit naman?"
"Eh paano? Ang liit lang ng problema ng laptop niya, eh panic mode agad agad? Feeling niya end of the world na."
"Buti nalang...dumating ka bes. You are his angel. ", natatawang sabi ni Loise.
"Ako? Angel? Naku mga bes. Wag na wag niya akong aapihin. Kung ayaw niyang e hack ko ang system ng company nila."
"Yang tataa, bes? 'Yung system lang ba nila ang gusto mo e hack? Or 'yung puso niya?", biro naman sa kanya ni Loise.
"Loise, anong ni lunch mo? Ba't ganyan ka magsalita? Eh ikaw nga 'tong wagas kong magpantasya sa kanya e. At saka pwede ba ayoko sa mga lalaking mainitin ang ulo."
"Hashtag #HowToSurvive?"
Alas tres na ng hapon ng makabalik si Richard sa RoChard Furnitures. Agad siyang pumasok sa loob ng opisina niya at binuksan ang laptop. Hinanap niya ang presentation file at hindi naman siya nabigo. Nakita niya na din ito sa wakas. Medyo gumaan ang pakiramdam niya.
Buti nalang at naibalik ang file na 'yun kung hindi ay mananagot siya sa board at sa Daddy niya. He doesn't want to disappoint him. Ayaw na ayaw niyang pumapalpak. He wanted everything to be perfect. Maybe, his secretary was right---that intern was a Computer Expert. Inangat niya ang phone at tinawagan si Mae.
"Mae, papasukin mo nga dito sa office ko si Ms. Mendoza."
"Yes Sir."
Maya maya ay pumasok na nga si Nicomaine sa loob ng opisina niya. Tahimik lang ito. Richard was sitting on his swivel chair.
"Ms. Mendoza, have a sit."
"Thank you Sir." sagot nito sa kanya.
"So...how did you do it?"
"Ang alin po?"
"How did you fix my laptop?"
"Ahmmm...actually Sir. Wala naman po akong inayos."
"Huh? Wala? But I've seen the file already kanina lang."
"Eh kasi Sir. Nalipat lang po sa ibang folder 'yung file niyo. Hindi naman po siya nawala e. Kaya binalik ko nalang po 'dun sa nakasanayan niyong buksan na folder. Nagtanong nalang po ako kay Maam Mae kanina."
"Oh, I see. Ganun ba?"
"Ganun nga. Kung hindi ka ba naman ngarag. At saka update update din sa technology pag may time noh? Heller! Nasa 20th century na kaya tayo. Palibhasa old school ka masyado." Pabulong 'kong sabi.
"May sinasabi ka, Ms. Mendoza?"
"Huh? Wala po Sir. Wala."
"Okay. You can leave, Ms. Mendoza."
Tumayo na si Maine at palabas na ng pintuan. Naiinis siya dahil hindi man lang ito nagpasalamat sa kanya. Pero sa totoo lang ay may kakaiba siyang nararamdaman para dito. HIndi nga lang niya alam kung inis or attraction. Malapit na siya sa may pintuan ng opisina nang tawagin siya ulit nito.
"Ms. Mendoza, wait."
"Ano po 'yun Sir?"
"Thank you..."
Ngumiti siya ng konti dito bago tuluyang lumabas ng pinto, "You're welcome Sir Richard."
*end of flashback*
Richard's POV
Pinagmasdan ni Richard ang aerial view ng Thailand na natatanaw lang mula sa hotel room niya. Saglit siyang napangiti habang inaalala ang unang araw ng naging pagkikita nila ni Maine. Natatawa nalang siya.
Pero, aaminin ni Richard na may mga araw na namimiss niya talaga ito. Siya kasi ang unang babaeng minahal niya ng lubos. Pero hindi niya ito nagawang maipaglaban. Naging duwag siya.
"Kumusta ka na Maine? Sana okay ka. Sana masaya ka na ngayon."