Another day, another pakipagbakbakan na naman sa korte with Damien. Malalim ang iniwang buntong hininga ni Selena. Tahimik ang loob ng courtroom, pero ramdam ko ang bigat ng bawat titig. Lahat ng mata nasa amin — sa pagitan ko at ni Damien. Hindi ko na kailangang lumingon para maramdaman ang presensya niya. Masyado siyang malakas, parang anino na hindi ko kayang takasan. I sat still, trying to keep my expression composed, pero sa loob ko—ang gulo. Hindi dahil kay Damien. Pero dahil sa mga dokumentong hawak ko ngayon. Mga papeles na nakuha ko sa loob mismo ng San Felipe project archives. Mga pangalan. Mga pirma. Isa doon, pamilyar. "Eduardo Alcaraz." My father. Parang biglang bumagsak ang mundo ko. Kanina lang, I was so sure na kaya kong patunayan na lahat ng ito—ang kaso, ang galit

