Nagising ako sa malakas na ulan at kulog. Hila ko ang kumot na nasa bandang paanan ko na, binalot ko ang aking sarili at nag talakbong pa. Nakakatakot ang liwanag na gumuguhit sa langit at ang malakas na dagundong ng kulog. “Ang lamig,” I whispered softly while rubbing my palms together to create warmth. Kinapa ko ang aking cellphone na madalas ko ipatong lang sa ibabaw ng side table nitong kama. Pagtingin ko, alas dos pa lang ng umaga. Habang nakabalot ang kumot sa aking katawan. Lumabas ako ng aking silid at sinubukan kong buksan ang doorknob ng silid ni Daddy Arthur, pero sarado. Ganun din kay Daddy Jack. Natatakot ako sa sobrang lakas ng ulan, kaya't sa guest room ko na lang plano matulog. Swerte naman na pagbaba ko ng hagdan, unang pinto pa lang, bumukas na. Hahakbang pa lang ako

