Sa loob ng classroom, habang nagle-lecture si Professor, napatitig ako sa katabi ko na alam kong may crush sa akin.
"Xtan, naranasan mo na bang labasan kahit hindi hinahawakan ang ano mo?"
Seryoso ako sa tanong ko. Pero ang katabi ko naman, namumula ang mukha habang nakatitig sa akin.
"M–Minsan, isang beses lang," sabay iwas ng tingin at kunwari nakikinig na lang sa harap.
"Really, you experienced it? Just now, I—"
Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang takpan nito agad ang bibig ko gamit ang kanyang palad.
"Elizabeth, please naman. Babae ka, hindi maganda pakinggan na ganyan ka magsalita at makipag-usap."
Tumayo ito at walang paalam na lumabas ng room.
Napanguso na lang ako, iniisip kung bakit siya nagalit. Nagtatanong lang naman ako, ano bang masama doon? Wala rin kasi akong ibang mapagtanungan dito eh, iniiwasan kasi ako ng mga babaeng estudyante.
Si Xtan lang talaga ang may lakas ng loob lumapit sa akin. Hindi ko alam kung bakit sila umiiwas, sabi niya kasi daw masyado akong intimidating tignan.
Pagdating ng hapon, paglabas ko pa lang ng building, nakita ko na agad si Daddy Jack. Ang gwapo nito sa suot niyang casual clothes. Mukhang nakauwi muna siya bago ako sunduin.
"Hi Daddy J! Ang fresh mo po."
"Umuwi muna ako 'e. Grabe ang pawis ko kanina sa site, sa location ng pagtatayuan ng bagong building ng Buenavista Empire. Nakakahiya naman kung maamoy mo ako na maasim," biro nito sabay kuha ng books at bag kong dala.
"Ang bango nga po, paamoy ng kili-kili!" sabay yakap ko dito pagpasok pa lang sa sasakyan.
"Hey! Anong ginagawa mo?" natatawa nitong tanong nang itaas ko ang polo shirt nito at inamoy ko talaga ang kanyang kili-kili.
"Anong brand ng perfume mo, Daddy J? Ang bango, amoy chocolate."
"Secret, baka bumili ka pa at iregalo lang sa crush mo. Wag na lang!" biro nito ulit.
Bibili lang naman sana ako para ipabango sa room ko eh. Ang bango kasi!
Nakanguso lang ako hanggang sa makarating kami sa mansion. Umupo ako sa sala at agad naghubad ng sapatos.
"Anak, mapapasma ang paa mo, malamig ang sahig. Wala ka na naman suot na tsinelas," sabi ni Manang habang inaabot ang pambahay na sapin sa paa.
"Ayaw po, sanay po akong nakapaa."
Dahil totoo na kahot sa naming mansion, nakapaa lang talaga ako. Humiga muna ako sa sofa. Pagod na pagod ako kanina sa dami ng activities sa school.
"Palalagyan ko na lang ng carpet ang buong bahay kung ganun."
Napalingon ako kay Daddy Jack ng nagsalita ‘to. Tinaasan ko siya ng kilay at tumayo, lumipat ako sa sofa kung saan ito nakaupo.
"Don't stare too much, Daddy J. Bata pa ako," pabiro ko na sabi, tapos ang tagal bago niya ako pinitik sa noo.
"Bata ka pa talaga, kaya enjoy-in mo lang pagiging bata mo. Kasi pag naging adult ka na, ang hirap na minsan magbiro. Lalo na pag nasa edad na namin. Ang daming responsibilidad. Iniwan nga kami ng parents namin ng yaman, pero libo-libong pamilya ang nasa kamay namin at umaasa sa amin."
Nung naging seryoso si Daddy Jack, natahimik ako. Napaisip ako... dagdag pa pala ako sa libo-libong iniisip niya.
Mula nung usapan namin 'yon, mas nag-focus na ako sa pag-aaral. Tinigilan ko na rin ang kalokohan at paglalaro ko ng papansin sa magkapatid . Dati kasi, ang mindset ko, mayaman naman ako, okay lang kahit hindi ako magtrabaho. Handang-handa na lahat para sa akin. Pero yung sinabi ni Daddy Jack, nagbago lahat ng pananaw ko.
Hindi lang pala ito tungkol sa sarili ko o sa pamilya namin. Narealize ko na may bigat pala sa bawat desisyon, sa bawat effort, at sa pag-aaral ko. Hindi lang para sa akin 'to, kundi para sa libo-libong pamilyang umaasa sa Carreras. Kung magiging pabaya ako, kung sasayangin ko lang oras ko sa kalokohan, paano na sila? Paano na yung mga empleyado na umaasa sa sweldo nila galing sa kumpanya?
Naramdaman ko ang bigat ng responsibilidad. Hindi lang pala tungkol sa pera o materyal na bagay ang pagiging mayaman, kundi ang kakayahang magbigay ng trabaho, pag-asa, at maayos na buhay sa maraming tao. Kailangan kong maging karapat-dapat sa posisyon ko, hindi lang bilang Elizabeth Carreras, kundi bilang tagapagmana ng isang malaking imperyo. At para magawa 'yon, kailangan kong maging seryoso, focused, at maghanda para sa totoong mundo sa labas ng mansion ng mga Buenavista.
"Mama, Papa, kamusta na po kayo d’yan sa langit? Hindi na po ba inaatake ng high blood pressure si Papa?"
Napangiti ako ng maalala ko kung bakit laging nakabuntot si Mama kay Papa noon. Kasi kailangan bantayan lagi ang blood pressure ng aking ama at si Mama lang ang nakakaalam ng mga gamot niya.
Umupo ako sa gilid ng nitso nila na magkatabi. Hinahaplos ko ang lapida habang nakatingin sa mga pangalan nila.
Ang bilis ng apat na taon. Hindi ko akalain na makakatapos ako ng pag-aaral na may mataas na grades. Aminado ako dati, sobrang maloko ko at hindi sineseryoso ang school. Sabi ko pa nga noon, ‘Kakain naman ako, kahit hindi ako mag-aral mabuti.’ Pero ng araw na kausapin ako ni Daddy Jack ng seryoso, doon nagbago lahat.
Dalawang taon na akong nagtatrabaho sa kumpanyang iniwan ng parents ko. Pero sabi ni Daddy Nero, hindi pa daw sapat ang experience na meeon ako. Kailangan ko daw muna magtrabaho sa kanila, kailangan ko maranasan humarap sa mga tao na hindi kilala na ako'y isang Carreras heiress.
"Mama, Papa, kaya ko kaya doon sa Buenavista?" tanong ko sa hangin, parang kaharap ko lang sila.
Kinakabahan ako nang slight, hindi kasi kami close ni Daddy Nero at tsismis daw sobrang strikto ng bunso ng mga Buenavista, sabi pa ng kaibigan kong si Xtan. Kaya hindi maiwasan na kabahan ako.
Marami akong ikinuwento sa kanila hanggang sa napansin kong papadilim na. Istrikto kasi si Daddy Jack sa oras, ayaw ko namang mapagalitan pag-uwi.
“Love, tara na!”
Napalingon ako kay Xtan na nakangiti, nakasandal sa kanyang sasakyan habang nakatingin sa akin. Sinamahan ako nito ngayon dahil day-off niya. Ito ang naging best friend ko na hingahan ng mga rants ko sa buhay.