Ako lang mag-isa ang naiwan ng dalawa kong kapatid dito sa opisina. All the work fell on my shoulders. Good thing Elizabeth is here. I can say she isn't just smart, she's a genius when it comes to business and strategy. Thanks to her, the responsibilities left on my plate aren't too heavy to handle. “Daddy Nero, may ilan akong binago sa mga ibinigay mo sa akin na plan. Double check mo na lang po. Medyo may alam po kasi ako sa mga price ng tela na maganda. Feeling ko po makakatulong ‘yun.” “Sige, review ko ulit. Salamat, baby girl.” “Owkies!” Sabay kindat sa akin ni Elizabeth at lumabas sa aking opisina. Napahinga ako ng malalim ng makalabas ang dalaga. Medyo masakit pa rin para sa akin ang sitwasyon na ‘to. Hindi ko maiwasan na hindi mainggit sa dalawa kong kapatid. Sila malaya nil

