CHAPTER: 12

1052 Words
Pagtingin ko sa paligid, medyo magulo. Ayaw ko ng may katabi ako at abala para sa aking trabaho ang mga bulungan. Pero dahil nga simpleng tao lang ako dito, kailangan ko makisama sa mga junior employees. “Which school did you attend for college, Elizabeth?” tanong ng katabi ko habang nakangiti. Napalingon ako na alanganing ngumiti. Hindi ako sanay makipag-usap sa hindi ko kilala. “Buenavista,” tipid na sagot ko. “OMG! Big time ka pala,” gulat na sagot niya tapos biglang nilahad ang kamay. “Diane,” pakilala nito. Buenavista University wasn’t just a school, it was a legacy. Standing proudly with its grand neoclassical design, the buildings exuded power and elegance. The facade was lined with tall, majestic columns and surrounded by vast, perfectly manicured gardens that spoke of wealth and history. Inside, the hallways were wide and lined with portraits of great leaders, while every room was equipped with top of the line facilities. It was a place that bred the elite, teaching not just academics, but also grace, influence, and leadership. To be a graduate of Buenavista meant carrying a standard of excellence that commanded respect everywhere you went. Kaya't hindi ako nagtataka kung bakit ganun na lang ang reaksyon ni Diane kanina. Ngumiti ako at nakipag-shake hands. Yung iba, nakatingin lang sa amin. May mga umismid at nagtaas ng kilay, pero may iba naman na nakangiti at mukhang friendly. “Scholar ka ba doon? Mukhang impossible naman na m—. Nevermind na lang nga!” Sabi ng isang babae na mukhang nagdududa sa akin. “Teka, kasabay mo ba talaga si Sir Arthur or nagkasalubong lang kayo sa ground floor?” OA na tanong ni Diane. Naupo pa ito sa tabi ko na parang chismosa sa mga palabas sa television ang atake. Lumilingon-lingon pa kasi sa paligid at medyo pabulong pa ang boses. “Nakasalubong ko lang, sino ba ang tinutukoy mo?” napakagat-labi ako sa sinabi ko. Parang masyadong obvious ang pagsisinungaling ko. Lalo pa’t kilala ang Buenavista at doon din talaga ako nag tapos ng pag-aaral sa school nila. “Hindi mo kilala?” taas kilay na tanong ng isang babae. “ Shhhh. Wag ka nga magulo d’yan, Lenna! Teka, Elizabeth. Gagi ka! Yung gwapo kaninang kasabay mo. Yung kapatid ni Sir Nero, hindi mo kilala?” Eksaherada na sabi ni Diane. “Ah, hindi ko matandaan. Medyo kinakabahan kasi ako kanina, kaya focus ako sa first day ko dito,” pabulong na sagot ko. “Oo girl, mahigpit si Sir Nero. Kaya galingan na lang natin. Magsimula na nga tayo, baka hindi pa tayo regular dito, nasipa na kaagad tayo,” bulong nito sa akin. Kaya hinarap ko na ang mga files na nakatambak sa gilid ng table ko. Kung inaakala ni Daddy Nero na kaya niya ako pasukuin dahil sa dami ng paper works, nagkakamali siya. Sabi nga ni Papa noon, "You are a genius when it comes to numbers, and you have such a broad perspective in business. Gather all those ideas in your mind, write them down if you can, and go back to them. Read them again when the time comes that you are already the one managing our businesses.” Sabi pa ng Papa ko, may photographic memory ako. Natatandaan ko lahat ng nakikita at napapanood ko. Isa pa, hindi ako tipikal na tulad ng ibang kabataan, seryoso ako pagdating sa negosyo. Maaaring mapaglaro ako sa ibang bagay, pero iba ito. Dahil kabuhayan ng mga manggagawa namin ang nasa kamay ko. Pag bumagsak ako, maguguho ang mga pangarap nila, para sa kanilang pamilya. Pagtingin ko sa wristwatch ko, pasado alas-dose na ng tanghali. Isang folder na lang ang natitira at wala akong plano tumayo hangga’t hindi ko ‘to natatapos. “Hala! Elizabeth, cracker's lang ang lunch mo?” tanong ni Diane na nginitian ko lang bilang sagot habang tuloy-tuloy ang pagtipa ko sa keyboard at nakatutok ang paningin sa screen. “Kung wala kang budget sana nagsabi ka sa amin kanina, pwede ka naman namin ilibre,” sabi pa ni Lenna, isa naming katrabaho. Yung akala ko kanina masungit. Patuloy sila sa pagsasalita. Hindi ako sumasagot pero naiintindihan ko sila. May mga nagbubulungan pa na awang-awa sa akin. “Tadaaaa!” malakas na sigaw ko sabay sandal ng likod sa office chair at pumikit, sabay inat ang dalawang braso. Pinatay ko ang server matapos i-send lahat ng ginawa ko direkta sa email ni Daddy Nero at ilipat sa USB. Marami na akong napanood na kalokohan at nakawan ng files, hindi ako papayag na mangyari sa akin ‘yun. “Tinapos mo sa isang upuan?” tanong ni Diane na nginitian ko lang ng nakakaloko. “Nagugutom na ako,” nakanguso na sabi ko. “Wait nga, bababa ako. Bibilhan kita ng pagkain. Nakakainis, bakit naaawa ako sa pulubi na tulad mo.” si Lenna na umismid pa. Pareho kaming natawa ni Diane. Pero ang totoo, parang may thrill na alam nila pulubi ako. Para malaman ko rin kung sino ang salbahe at kung sino ang totoong tao. “Elizabeth, anong work ng parents mo?” curious na tanong ni Diane habang kaharap ang laptop, kunwari hindi interesado. “Wala na sila, mag-isa na lang ako sa buhay.” Biglang napalingon ito at kita ko ang awa sa kanyang mga mata. Para tuloy akong nakonsensya ng konti. Pero totoo naman na patay na ang magulang ko. “Sorry to hear that,” sabay abot nito sa kamay ko. “Okay lang, alam ko magkasama na sila sa langit at masaya sila doon. Kaya don't be sorry, lahat naman tayo papunta doon,” sagot ko sabay ngiti. Sakto dumating si Lenna at nakanguso itong nilapag ang bento box sa harap ko. Sinaway ito ni Diane ng tingin at binulungan ng kung ano, pagbalik nito sa tabi ko, parang namumula ang mga mata. “Sorry, Elizabeth. Same pala tayo na patay na ang Papa. Kami na lang ni Mama ang magkasama,” malungkot na sabi ni Lenna. “Excuse me, Elizabeth tawag ka ni Boss Nero.” Napatango lang ako sa assistant ni Daddy. Akala ko aalis na ito agad, pero hinintay pa ako. Kaya't mabilis ko sinubo ang pagkain, dahil gutom na gutom talaga ako. Uminom lang ako ng tubig at agad akong sumunod sa lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD