Chapter 3

1329 Words
Russial POV. As usual nandito na naman ako sa kusina at pinaghanda na naman si Reil ng makakain. Nag alarm na talaga ako ngayon para hindi na ako late magising at hindi na rin siya magagalit sakin. Nakita ko namang pababa na si Reil habang inaayos ang necktie niya. Hihintayin ko nalang sana siyang makalapit sa mesa pero napansin kong nahihirapan siyang ayosin ito kaya lumapit ako sa kanya. Seryoso lang itong nakatuon sa pag-aayos ng necktie kaya hindi niya napanasin ang paglapit ko. "Ako na.." Usal ko, kaya napatingin siya sakin. Hahawakan ko na sana ang necktie pero binawi niya Ito. "No.. kaya ko na to!" sabi pa niya. Nagpatuloy lang siya sa pag-aayos, lumayo ako ng kaunti sa kanya habang pinapanood siyang ayosin ito. Pero ilang minuto na ang lumipas hindi niya parin ito nagawa ng maayos. Humakbang ako papalapit sa kanya at inagaw ang necktie na hawak niya. Gulat pa siya sa ginawa ko pero hindi na siya umangal pa. Hinayaan niya akong ayosin ito. Habang inaayos ko ang necktie niya hindi ko mapigilang mapangiti. Ito talaga ang isa sa gusto kong gawin nong naging mag-asawa na kami. "Tapos na." Sabi ko. Nakangiti naman akong tumingin sa kanya at naabotan ko itong naka titig sakin pero agad naman siyang umiwas at nagtungo sa dining area. Wala man lang thank you or I love you... Asa ka naman Russial.. Agad ko namang siyang pinag silbihan, Nilagyan ng rice at ulam ang plate niya. Pagtapos kung gawin 'yon ay aalis na sana ako patungong kitchen kung hindi niya lang ako tinawag. "Russial" Pagtawag niya sakin. Agad naman akong lumingon sa kanya. "Bakit Reil?" takang tanong ko sa kanya. "Umupo ka!" Sinabi niya 'yon na hindi ako tinitignan. "H-Ha?" Parang nabingi kasi ako eh! "I said, umupo ka! Samahan mo akong kumain!" Sa gulat ko ay agad naman akong lumapit ulit sa mesa at umupo sa upoang kaharap niya. I can't believe this... Pinasabay niya akong kumain. Dahil sa gulat ay hindi pa rin ako makagalaw sa inuopoan ko napatitig lang ako sa kanya at pinapanuod siyang kumain. "Stop staring at me.. Kumain ka na at baka mag bago pa ang isip ko at paalisin kita..." Asik niya. Umiwas naman ako agad at nagsalin ng makakain. Hindi ko na siya tinignan ulit, Nakayuko lang ako habang kumakain. Maya-maya pa ay narinig ko nalang ang mahinang pagbagsak ng baso, parang sinadya ni Reil 'yon para malingunan ko siya. "Aalis na ako.." Cold niyang sabi. Tumayo naman siya agad at hindi na hinintay ang sasabihin ko. "I love you..." Biglang usal ko. Napatigil naman si Reil sa pagbukas ng pinto, Narinig niya ang sinabi ko. Akala ko ay lilingon siya sakin pero nagpatuloy lang ito sa pagbukas at umalis. Pero kahit na cold pa rin siya sakin masaya pa rin ako dahil hinayaan niya na akong ayosin ang necktie niya, Hindi niya na ako tinutulak at sinisigawan kapag lumalapit ako sa kanya at Pinasabay niya rin akong kumain. Sana tuloy-tuloy na ito...... "Good morning everyone.." Masiglang bati ko sa employees ko pagkapasok ko sa shop. Napatigil naman sila sa pag-aayos at lumingon sakin."Good morning din po Ma'am Russial." Bati din nila. Tinulungan ko na sa sila sa pag ddesign ng flowers, Dapat talaga nasa loob lang ako ng office ko pero dahil marami ang customer ngayon kaya tinulongan ko nalang sila. "Ma'am Russial..." tawag sakin ni Ann isa sa mga employee ko. "Bakit Ann?" "May tumawag po sa phone niyo." Sabi niya. Nasa tabi ng mesa niya lang kasi nilagay ko ang phone kaya siya ang nakakapansing may tumawag, naka vibrate lang kasi ito. Inabot niya naman sakin ang phone. Agad ko namang sinagot ng makitang si Mommy laline ang tumawag, Reil mother. "Hello po, mommy laline..." bati ko sa kanya. ["Hello din hija..] Sagot sa kabilang linya. "Napatawag ka po mom?" ["Nakauwi na kasi dito sa pilipinas si Ron, kaya may kunting pagsasalong magaganap dito bahay kaya ininvite ko kayong mag dinner ni Reil dito."] "Okay po mom, tatawagan ko nalang si Reil.." ["Sige hija, hihintayin ko kayo ha! End ko na ang call para matawagan muna si Reil. Goodbye see you later.] "Good bye po.." Huling sabi ko bago mag end ang call. Akala ko noon ay masungit ang mommy ni Reil pero mabait pala ito. Tinawagan ko naman agad si Reil pero hindi niya sinagot. Tinawagan ko ulit pero sa ikalawang pagkakataon ay hindi niya parin sinagot. So I decided na pupuntahan ko nalang siya sa office niya. Nasa tapat na ako ng building na pag-aari ng Mendoza at kung saan ang nagmamahala ay si Reil. Agad naman akong binati ng Guard pagkakita niya sakin pati na rin ang iba pang employees na nakasalubong ko. Ngumiti naman ako sa kanila. Kilala nila ako, ipinakilala kasi ako ni Mommy laline sa kanila. Sumakay naman ako ng elevator papunta sa floor kung saan ang office ni Reil. "Hello Marga." Bati ko sa secretary ni Reil. Agad naman siyang tumayo pagkakita niya sakin. "Hello Mrs. Mendoza.." Bati niya. "Nasa loob ng office ba si Reil?" Tanong ko sa kanya "Yes Mrs. Mendoza nasa office pa po si Sir Reil.." Sabi niya. "Okay! Thank you Marga.." akmang bubuksan ko na ang pinto sa office ni Reil pero tinawag niya ako ulit. "Wait Mrs. Mendoza.." tawag ni Marga sakin. "Bakit?" "May kausap pa po kasi si Sir Reil sa loob." "Don't worry, Sandali lang naman ako may sasabihin lang akong importante sa kanya." "P-pero kasi-" Hindi ko na narinig ang sinasabi ni Marga dahil pumasok na ako sa office ni Reil. Bumungad sakin si Reil na may kahalikang babae. Babae na halos hubo't hubad na. Hindi ako nakapag salita at nakapag react, nakatulala lang akong pinapanuod sila. Lumambot naman ang tuhod ko, bago paman ako matumba ay agad naman akong napakapit sa mesa at hindi sinasadyang maihulog ang vase na nakapatong doon s**t! Automatic naman silang napatigil sa ginagawa nila at napatingin sakin. Akala ko yung condo niya lang ang binaboy niya pati narin pala dito sa office niya. Inasahan kong magugulat si Reil ng makita ako pero blangkong mukha ang sumalubong sakin. "S-Sorry.." Iyon lang ang nasabi ko. "What are you doing here Russial?!" Galit niyang sabi sakin. Siya pa tong galit! "M-May s-ssabihin lang ako s-sayo.." Utal utal kong sabi. "Who is she babe?" Tanong pa ng babae. Parang linta itong kumakapit kay Reil. "She's my slave.." Sagot naman ni Reil. Gustong sumabog ang puso ko ng marinig ang sagot niya. Slave? Really? "Oh! Really? Can you please tell her na umalis na siya.." Malanding sabi nito. "Sure babe.." Sabay halik pa ni Reil sa babae, napaiwas naman ako ng tingin. Ang kakapal ng mukha! Gusto ko silang lapitan at awayin! "Ano ba ang sasabihin mo?!" Si Reil "Tumawag ang mommy mo sakin, sa house nila tayo mag dinner." "That's all?" Reil "Yes!" "Sana tinawagan mo nalang ako, nakaka disturbo ka tuloy.." Asik niya. Ako talaga ang disturbo?! Tinawagan kita pero hindi mo sinagot! "You may Leave!!" Matigas niyang sabi "A-ano?" "Bingi ka ba? Sabi ko umalis ka na!" Sigaw niya. Dali-dali ko namang binuksan ang pinto ng office niya, pagkasirado ko ay agad naman akong napatumba. Lumapit pa sakin si Marga na may pag-alalang tingin. "Mrs. Mendoza are you okay?" Tanong niya pero hindi ako sumagot. Tumayo ako at naglalakad paalis. Hinaayan ko lang magbagsakan ang mga luha ko. Nararamdaman kong napatingin sakin ang ibang empliyado, may lumapit pa sakin at nagtanong kung ano ba ang nangyari pero hindi ko sila pinapansin. Wala akong paki alam kung pinapanuod nila ako. Wala akong paki alam kung anong sasabihin nila. Dahil ang tanging iniisip ko lang ngayon ay ang sakit na nararamdaman ko. Akala ko ang pinapakita niya sakin kaninang umaga ay sign na 'yon na magka-ayos na kami. Pero hindi pala...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD