Chapter 1

729 Words
Russial POV. Malakas na pagkatok ang gumising sakin sa mahimbing kong tulog. "Ano Russial? Hindi ka pa ba babangon diyan?!" Galit at pasigaw na sabi ni Reil sa labas ng kwarto ko. Nanglaki ang mata ko, agad naman akong bumangon at nagmamadaling binuksan ang pinto. Bumungad sakin ang galit na mukha ni Reil. "Ano?! Tunga-nga ka nalang diyan?! Bilis bumaba kana at ihanda mo ako ng makakain!" Galit niyang sabi bago ako tinalikuran. Nagmamadali naman akong bumaba at nagtungo sa kusina para ipaghanda na siya. Binuksan ko ang ref. Para matignan kong anong pwedeng lutoin pero ang natira nalang ay hotdog at tatlong itlog. Nakalimutan ko palang mag grocery kahapon. Busy kasi ang shop ko kahapon kaya nawala sa isip kong kailangan ko palang mag grocery. No choice ako kaya ito nalang muna ang lulutoin ko ngayon. Nag saing muna ako ng kanin sa rice cooker bago lutoin ang magiging ulam namin ngayon. Handa na ang lahat at hinihintay ko nalang ang asawa ko na bumaba. Ang sarap sa pakiramdam na ang dating gusto mo noon ay tinatawag mo nang asawa ngayon. Isang taon na ang lumipas ng mangyari ang pilit na kasalan naming dalawa. Nang makita kami ng mommy ni Reil ng gabing iyon ay nagdesisyon itong ipapakasal kami. Una ay natatakot ako sa desisyon na 'yon pero napaisip ko kung maitutuloy ang kasal ay maging sakin na si Reil. Panay tanggi naman si Reil sa kasal dahil ayaw niyang makipaghiwalay kay Tiana na girlfriend niya at soon to be wife niya sana kung hindi ako umiksena. Oo napaka selfish ko dahil sinira ko ang relasyon nilang dalawa. Ilang araw din ang lumipas ay ikinasal din kami ni Reil hindi siya makatanggi dahil nagbabanta ang mommy niya na babawiin ang kompanya niyang matagal niya ng pinaghihirapan. Isang araw ay nabalitaan kong nagkahiwalay na ang dalawa at umalis si Tiana at pumunta ng ibang bansa. Masaya ako ng marinig ang balitang 'yon dahil sa wakas ay wala na akong kaagaw pa. Pero nagkamali ako, ang saya na nararamdaman ko noon ay kabaliktaran sa nararamdaman ko ngayon. Dahil nong isang buwan na kaming kinasal ay nagsimula nang mangbabae si Reil. Every weekend ay hindi siya umuuwi dito sa bahay. Sa condo siya mag stay kasama ang babae niya na hindi ko alam kung saan niya pinulot. Napakasakit ng malaman ko 'yon, gusto ko siyang awayin, bulyawan pero natatakot ako na baka iwan niya ako. Kaya hinayaan ko nalang siya sa ginagawa niya kahit na ang sakit! Sakit! Iisipin ko pa lang kong ano ang ginagawa nila ng babae sa condo niya ay parang mababaliw na ako. Ginusto ko to eh! kaya magtitiis ako.. Napatigil nalang ako sa pag-iisip ng matanaw si Reil na pababa ng hagdan. Tumayo ako sa pagkakaupo ko at hinihintay siyang makalapit. Hindi kami sabay kumakain dahil ayaw niya akong makasabay dahil mawawalan lang daw siya ng gana pag nakikita ang pagmumukha ko. Kumunot ang noo ni Reil ng makita ang nakalapag sa mesa. Nararamdaman kong ayaw niya sa hinanda ko. "Oh?! Itlog at Hotdog na naman?! Kahapon ay yan ang ulam natin! Hindi ka ba nag-sasawa diyan?!" Galit niyang sabi sakin. "Sorry, yan lang kasi ang nasa Ref. Nakalimutan ko kasing mag grocery kahapon." mahinang sabi ko. "Ang tanga-tanga mo! Pati ang pag grocery ay makalimutan mo pa!" "Naging busy kasi ang shop ko kahapon kaya ko nakalimutan." Nakayukong sabi ko sa kanya. "Sinabi ko na kasi sayo na e close mo na yang walang kwentang shop mo at mag stay lang sa bahay at pagsilbihan ako!" Sigaw niyang sabi at walang ano-ano ay kinuha ang handa sa mesa at Itinapon sa sahig. "Sorry Reil..." Iyon lang ang sinabi ko. "Sorry?! May magagawa pa ba yang sorry mo?!" galit na galit niyang bulyaw sakin, hindi pa na kontento lumapit pa sakin at sinampal. Wala akong nagawa, Nayuko lang at napahawak sa pisnging sinampal niya. "Tang*na mo..." Mura niya pa sakin bago ito umalis. Nang naramdaman kong nakalabas na ito ng bahay. Doon ko na nilabas ang luhang kanina pa gustong pumatak. Araw-araw may matatanggap akong sampal or mura na nanggaling sa kanya pero tiniis ko kahit ang sakit-sakit na. Tiniis ko kahit na pagod na pagod na ako pero ayaw kung sumuko dahil naniniwala akong balang araw ay matutunan niya rin akong mahalin. Maghihintay ako Reil.......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD