Umuwi ako sa bahay nang magliliwanag na. Tahimik lamang ako na naglalakad paakyat sa hagdan at walang pakialam sa paligid, kahit na ba tinatawag na ako ng mga Magulang ni Jared. "Have you already lost your sense of hearing?" Tanong sakin ni Jared na biglang lumitaw sa harapan ko. Tinignan ko lamang siya at itinulak kaya nakadaan ako. Narinig ko pa ang muli niyang pang-aasar pero dahil wala ako sa mood ay pumasok nalang ako sa kwarto ko. Pabagsak kong isinara ang pinto para malaman nila na badtrip ako at wala akong panahon sa mga drama nila. Muli akong umupo sa sahig at sa gilid ng kama. Tinanggal ko ang sapatos ko at binato ito kung saan. Ginulo ko ang buhok ko kasabay ng pagtulo na naman ng mga luha ko. Sumigaw ako sa sobrang sama ng loob, inabot ang mga gamit sa bedside table at pi

