Dahan-dahan akong nagmulat at bumungad sakin ang kulay puti. Ilang beses pa akong pumikit hanggang sa maka-adjust na ang paningin ko sa liwanag. Inilibot ko ang aking paningin at nakitang walang tao ni isa sa loob ng kwarto kung nasaan ako maliban sakin. Napabuntong hininga ako at sinubukang umupo ngunit nakaramdam ako ng kirot sa bandang tiyan ko kaya napatingin ako doon, ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko ng makitang maliit na ang tiyan ko. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko nang maalala ko ang nangyari, mula sa elevator hanggang sa operating room at labis akong nag-aalala dahil wala akong mapagtanungan kung ano na ba ang nangyari sa baby ko. Bumalik ako sa pagkakahiga dahil sa sobrang pagkirot ng tiyan ko. Tahimik na lamang akong umiiyak dahil hindi ako makagalaw hanggang sa mar

