3 ANGELICA POV: Masaya kaming nagku-kwentuhan ni Patrick hanggang makarating kami sa bahay ko. "gusto mo ba uminom muna ng tubig Patric?" nakangiting tanong ko kay Patrick. "naku hindi na Ecka baka hinahanap na rin ako nina itay," nakangiting sagot nito. "ganun ba sige salamat ha." "sige paalam." Tumakbo ito habang kumakaway sakin, kumaway din ako pabalik sa kanya. Papasok na sana ako ng bahay namin nang marinig ko naay tumawag ng pangalan ko. "Ecka! Hija?! Ikaw na ba yan?" Lumingon ako sa pinagmulan ng boses at nakita ko ang kapit bahay namin na si aling Pacing, napakunot ang noo ko nang makita ko itong humahangos palapit sakin. "bakit po aling Pacing?" nagtatakang tanong ko. "naku ikaw bata ka kanina pa kitang hinihintay, ang tatay mo sinugod kan

