KABANATA 9 Kinabukasan ay maagang nagising si Shiela dahil may usapan sila ni Marie, balak nilang bumili ng gamit na dadalhin sa beach, dadaan nalang din s'ya sa pharmacy para bumili ng PT. Nagkita ang dalawa sa mall na pinag usapan nila, kasama rin pala ni Marie si Angela. Pumasok sila sa mall at nag tungo sa mga swimwear, tuwang-tuwa si Marie habang namimili ng mga two piece swimsuit, samantalang si Shiela at Angela naman ay ilang na ilang. Hindi lang kasi tinitingnan ni Marie talagang itinataas pa nito at ipinipilit na sukatin ng dalawa. Sa tinagal nang pamimili nila nakapili narin sila sa wakas, hindi pala dahil lahat ng binili nila ay si Marie ang pumili dahil bagay daw sa kanila ang mga pinili nito. Hindi na naman nakipagtalo ang dalawa kay Marie

