C H A P T E R 9:

1248 Words
Cassandra POV Its been a month and it's driving me crazy because things are getting more complicated. Its getting hard kasi a week from now ay lilipat na kami ng bahay, not totally lilipat dahil iiwan ko parin ang mga ibang gamit ko dito sa condo, and I know naman na babalik at babalik ako dito. Ashton said na complete naman na ng mga gamit ang bahay so bakit ko papagurin ang sarili na ilipat ang mga gamit ko. He also said that we have kasambahay and that's good. Anyway I am here sa school preparing para sa nalalapit na University Intramurals kaya halos lahat ng colleges ay busy. "Alam mo Mii ang hirap ng sitwasyon niyo ni sir Ashton pero sa tingin ko kaya niyong ayusin kung anong meron sa inyo." "Haynako Ash hindi lahat ng arranged marriage ay nagkakaroon ng happy ending." "Napaka bitter mo Mii. Ayaw mo ba non, magkakaroon ka ng masayang pamilya?" "Hayaan natin ang panahon na magsabi kung talagang magiging masaya ang buhay ko, sa ngayon kailangan na nating tapusin itong Booth dahil kailangan ko pang magpasukat para sa gown." Nagbubulungan lang kami ni Ashley dahil walang pwedeng makarinig ng pag uusap namin. Buti kadarating lang ng mga ka college namin. "Ah Cassandra may meeting daw kayong mga sasali ng pageant mamayang alas singko, magsama daw kayo ng isang kasama para sila lang daw ang pwedeng tumulong sa inyo sa mismong pageant." turan ni Icca ang aming College secretary. "Thank you Icca, si Ashley na lang ang isasama ko. How about you Louie?" "Si Yanna na lang siguro." "Ayiiieeee, kayo ha hindi niyo naman sinabing may love birds pala dito sa section niyo." Sabi ni Icca Kaya halos lahat ng ka department namin na tumutulong sa paggawa ng booth ay tumatawa at walang katapusan na inaasar sina Louie at Yanna kaya pati kami ni Ashley ay sumali na rin sa tawanan. Yes, I and Louie will represent our college kaya kailangan kong magpasukat ng gown and also magpagawa ng costume. Wala akong balak sumali but most of our professors push me to join kaya I have no choice. Alam kong nakarating na rin kay Ashton na sasali ako pero wala akong pakealam and it's good thing na wala siyang message about this. "Mii tara na baka ma late tayo sa meeting." "Let's go, Louie, Yanna tara na." Habang papunta kami sa hall ay nadaanan namin sina Ashton and if I'm not mistaken, ang kasama niya ay si miss Mila ang Math professor sa engineering department. I think they are talking something important dahil their faces are serious. Hindi nga nila kami napansin na dumaan eh dahil sa kaseryosohan nila.At ngayon ko lang nakita si Ashton na seryoso pero sa lahat ng nakita ko at napansin ko ay ang masuyong paghawak niya sa kamay ni miss Mila at sa masuyong halik nito sa forehead. Nawala ang atensiyon ko sa dalawa dahil sa pasimpleng kalabit ni Ashley. "Mii anong meron sa kanila?" "Ewan ko Ash syaka anong pakealam ko." Pero hindi ko alam kung bakit may konting kirot akong nararamdaman sa puso ko. "Guys kilala ko si prof Mila, halos kalat sa kabilang department na masama ang ugali nito. May mga nakapagsabi nga na kaya lang siya nakapasok dito sa university dahil may tumulong sa kanya na ngayon ay parang kilala ko na kung sino. May sabi sabi kasi na may boyfriend si prof Mila pero hindi ko naman inaasahan na si sir Ashton pala iyon." Biglang turan ni Yanna kaya napatingin sa akin si Ashley. "Paano mo naman nasabi yan Yanna? Wala namang proof." "Sapat na proof na iyong paghalik ni sir Ashton kay prof Mila kanina Ashley." "Pero paanong nangyari yun eh dba nga naikasal na si sir?" Tahimik lang ako habang nag uusap sina Ashley at Yanna. "Correct ka diyan Ashley, pero kung kasal na si sir Ashton sino iyong asawa niya at kaano ano niya si prof Mila?" "Hindi kaya kabit si miss Mi---." "Andito na tayo, tama na iyang kwentuhan niyo." Putol ko sa sasabihin ni Ashley dahil baka kung saan pa umabot at kung ano pang masabi niya. Habang nasa meeting ay kung saan saan na nakarating ang isip ko dahil hindi ko namamalayan na tinatawag na pala ako. "Miss Cassandra, is there any problem?" "Ah no sir, ano po iyon?" "As I was saying ikaw na ang bubunot ng number mo." Tumayo na ako para bumunot at ang nabunot ko ay NUMBER 1. I know wala akong experience sa pageant pero may experience ako ng modeling at runway modeling kaya alam kong kakayanin ko ito. Nang matapos ang meeting ay binigay sa akin ni Ashley ang notebook na pinagsulatan niya ng mga kailagan. "Basahin mo iyang sinulat ko Mii, napansin ko kasi na wala ka sa sarili kaya nag take note ako." "Thank you Mii, tara uwi na tayo." "Okay ka lang ba?" "Off course, bakit naman hindi?" Sabi ko para sana kumbinsihin sya pero parang para sa akin ang pangkukumbinsing iyon. "Mii daan tayo sa fav Café natin." "Sure Ash, ayoko pa umuwi." Bulong ko sa huli. "Anong sabi mo Mii, ah kasi baka naka uwi na si hubby mo. Eh ibang unit naman siya eh." "Ang dami mong sinasabi Ash, hindi ba pwedeng ayoko lang muna umuwi at syaka pwede ba kahit isang araw lang ay huwag mabanggit yang pangalan niya." "Okay sabi mo eh." Tumahimik kami pareho, wala naman dapat kasi akong dapat isipin dahil napagkasunduan naming huwag papakealamanan ang bawat isa kaya habang maaga ay kailangan ko na siyang iwasan dahil hindi naman kami magtatagal. "Sasamahan kita sa lakad mo bukas para ma check din natin yung mga kailangan mo. At isa pa kailangan ko na magpa salon hahaha." "I know and I needed that too. 9:00 am tayo para maagang matapos." "Yeah that's true lalo at may practice kayo bukas ng hapon." At dahil tapos na kami sa mga inumin namin ay kailangan na naming umuwi. "8:40 na pala Mii, wee need to go na." "Yeah, let's go?" "Ingat sa pagda drive Cass." "No problem Ash, you too. Bye." Matapos magbeso ay sumakay na kami sa aming mga sasakyan. It's time to go home. "What the hell! Anong ginagawa mo dito?" Pagbukas ko ng pintuan ay nagulat ako dahil andito sa unit ko si Ashton. "Bakit ngayon ka lang?" "Ano ba Ashton! Hindi pwedeng lahat ng gagawin ko at pupuntahan ko ay dapat alam mo!" "I'm asking you in a nice way Cassandra kaya ayusin mo iyang tono ng pananalita mo." "Pwede ba, umalis ka na? Pagod ako, kailangan kong magpahinga." "CASSANDRA AELI VILLAFUENTE DEWISHT! Im talking to you, don't you dare na talukuran ako!" "Putcha!!" Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin, hindi ko alam kung dahil ba sa takot kaya ang bilis ng pagtibok ng aking puso. "Nasasaktan ako Ashton, bitawan mo ako!" sabi ko habang pumipiglas sa pagkakawahak niya sa braso ko. "Talagang masasaktan ka kung hindi mo ayusin iyang pananalita mo Cassandra." Matigas niyang turan at marahas niyang binitawan ang braso ko kaya bigla akong napa upo sa sahig. Bigla na lang akong umiyak ng pabalibag niyang sinara ang aking pintuan. Umiiyak akong pumasok sa aking kwarto dahil hindi ko inaasahang masasaktan ako ni Ashton. Hindi ko gusto ang nangyarinsa buhay ko kaya bakit kailangan na masaktan ako. Hindi ko alam kung ano pa ang kayang gawin sa akin ni Ashton. Bakit ako, bakit, bakit ko ito nararanasan, bakit. Hagulgul kong sumbat sa mundo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD